115: Predator

421 12 7
                                    

Mina's Pov:

Naglalakad-lakad ako ngayon sa tabing dagat habang inaalala lahat ng bagay na napagdaanan ko.

Simula sa pagiging imprisoned princess ko sa mansion. Sa araw na muli kong nakita si Nayeon kung saan nagawa kong magpunta sa bar kasama niya. Yung moment na nakilala ko yung kaisa-isang tao na nag-approach sakin sa dami ng taong nasa bar.

Hanggang sa ma-risk yung life ko kung saan nakilala ko ang pinakasnob pero pinakaprotective na bantay ko.

Yung moment na hindi ko na kinaya yung pagiging strikto ni Dad sakin. Hanggang sa mapadpad ako sa kalsada kung saan muling narisk ang buhay ko. Pero nagkrus ang landas namin ng hero ko. Nakatagpo ako ng taong handang tumulong sakin.

Hanggang sa makakilala pa ko ng ibang kaibigan. Papunta sa moment na importante na sila sa buhay ko.

Siyempre, hindi mawawala yung revelation kung saan nalaman ko ang mga kasalanang ginawa ni Dad. Hinding-hindi rin mawawala yung heartbreaking scene na pagkamatay ni Yaya.

Hindi rin mawawala sa flashbacks yung masasayang alaalang kasama ko si Dahyun. Kasama na dun sila Nayeon.

Lahat ng 'yun hindi ko makakalimutan. Kahit yung masasakit na part, hindi rin mawala-wala sa isip ko. Yung sunod-sunod na pagkamatay nilang lahat.

Sinong mag-aakala na aabot kami hanggang dito? Masaya. Masaya talagang mabuhay nang mapayapa. Pero hindi mawawala yung lungkot na kailangan pang marami ang magbuwis ng buhay nila.

Si Mom at si Yaya na kasama ko simula pagkabata.

Sila Nayeon, Momo, Jeongyeon at Chaeyoung na naging sandalan ko noong mga panahong wala sa tabi ko si Dahyun.

Si Tzuyu na puro gulo ang inidulot sa buhay ko pero nagawang bumawi sakin sa huli. Hindi ko inakalang pati siya mawawala. Ang unfair naman. Kung kailan nagkabati na kami, saka pa siya nawala.

Siyempre, hindi mawawala si Dahyun. Si Dahyun na palaging nasa puso ko. Siya yung taong nagparealize sakin kung ano ba talagang mahalaga sa buhay na 'to. Dahil sa tulong niya, nagawa ko yung mga bagay na hindi ko magawa noon. Dahil sa kanya, natuto akong magpakatatag at lumaban.

Sa kalagitnaan ng pageemote ko, biglang may nagbackhug sakin. Alam na alam ko kung sino 'to.

"Gising ka na pala." Sabi ko sa kanya.

"Oo. Nagising ako kasi wala ka na sa tabi ko kanina." Sagot niya.

"Dahyun, Matatapos na ang lahat ng gulo."

"Tama ka. Patapos na nga. Masaya akong magkasama parin tayo sa huli. Pero nakakalungkot parin na wala na yung mga kaibigan natin."

"Tama. Nakakalungkot na hindi na natin sila kasama. Alam naman nating nasa payapang lugar na sila."

"I'm sure masaya sila para satin." Dagdag ni Dahyun sakin.

"Mamimeet nila dun yung ex mo." Nasabi ko na lang kaya pumunta siya sa harapan ko.

"Eh, ano naman kung mameet nila dun si Sana?"

"Wala. Sinabi ko lang naman. Haha. Malay natin maging friends sila dun."

"Nako. Baka nga iganti pa nila ko sa heartbreak na iniwan ni Sana sakin noon." Biro ni Dahyun.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Onde histórias criam vida. Descubra agora