121: 4 Years

282 13 9
                                    

Dahyun's Pov:

Lumipas ang apat na taon, mga taong wala sa tabi ko ang taong pinakamamahal ko. Marami nang nagbago.

Graduating na ko ngayon ng High School. Sa apat na taong ginugol ko sa pag-aaral kasabay ng part time jobs ko para tustusan ang sariling mga pangangailangan, naisip ko na kung ano ba talaga ang gusto ko.

Gusto kong maging pianist. Mas nadevelop yung skills ko sa pagpi-piano simula nang bumalik ako sa pag-aaral. Ngayong ga-graduate na ko, naisipan kong ituloy na ang pag-aaral ko hanggang college. Alam kong magiging mahirap pero kakayanin ko naman. Alam kong kung gusto ko talaga, magagawan ko ng paraan.

Sa apat ring taon na lumipas, naranasan ko ang hirap ng pagtatrabaho para lang makapag-ipon.

Waiter sa family restaurant ng kaibigan/classmate ko. Bantay sa computer shop ng kakilala. Sumasideline din ako sa pagtuturo ng piano lesson sa mga batang gustong matuto. Ilan lang yan sa mga trabahong naranasan ko.

Punong-puno ng kalungkutan ang apat na taong lumipas. Sa isang araw na ang high school graduation namin. Sayang lang dahil hindi masasaksihan ng mga kaibigan ko ang pag-akyat ko sa stage.

Hanggang ngayon, miss na miss ko parin sila. Pero natanggap ko na namang hindi na sila babalik. Tinanggap ko na rin sa sarili ko na nangyari na ang nangyari. Ang tanging magagawa ko na lang ay ang magpatuloy sa buhay. Hindi dapat masayang ang sakripisyo nilang lahat.

Kaya't heto, ginagawa ko na ang best ko para maayos ang buhay ko. 

Para tuluyang makapag-move on sa mga masasamang nangyari, minabuti ko na munang umalis sa bahay namin noon. Apat na taon akong nanirahan sa dorm. Sa dorm, kahit paano may nakakausap ako't nakakasama. Isa pa, mas malapit ang tirahan ko ngayon sa school na pinapasukan ko kaya nakakatipid rin naman ako.

Balang araw, babalik rin ako sa bahay namin. Kailangan ko lang talaga munang ayusin ang mga bagay-bagay sa buhay ko ngayon.

"Dahyun!" Rinig kong tawag sakin ng kung sino habang nagpapahangin ako sa tabi ng bintana dito sa dorm na tinitirahan ko.

"May naghahanap sayo!" Sabi sakin ng classmate/dormmate kong si Somi.

"Sino naman?"

"Sino pa? Eh di yung kapitbahay nating patay na patay sayo." Sagot ni Somi sabay hilata sa higaan niya. Matagal ko nang kasama si Somi kaya naman masasabi kong close na kaming dalawa. Marami na rin naman siyang alam tungkol sakin. Madaldal siya. Parang si Chaeyoung. Madalas din kaming mag-away nito dahil sa kakulitan niya.

"Huh?"

"Hi Dahyun." Biglang pumasok sa kwarto namin ang kapitbahay naming si Irene. Sa tagal naming magkapitbahay, naging kaibigan na rin namin siya.

"Oh. Ikaw pala. Hinahanap mo daw ako?" Tanong ko sa kanya.

"Yes. Hindi ka kasi nagrereply sa text o sumasagot sa tawag ko. Yayayain sana kitang lumabas." Masayang sagot niya sabay linked arms.

"Ah. Eh, Si Somi na lang ang yayain mo." Dahan-dahan akong umusod para lumayo sa kanya.

"Pero ikaw yung gusto kong kasama. Samahan mo naman akong mag-grocery. Please." Dagdag niya sabay lapit ulit sakin.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now