21: I'll Be Fine

406 19 2
                                    

Mina's Pov:

Nang dumating ako sa mansion sakay ng Taxi, wala akong pambayad kaya naman nagmadali na muna kong pumasok sa loob ng mansion.

Nanlaki ang mata ko nang makita si Yaya Jihyo na nakaupo sa isang tabi nang mag-isa.

"Mi---Mina? Mina!" Agad siyang napatakbo sakin sabay yakap nang mahigpit.

"Yaya. Akala ko kung ano nang nangyari sayo. Namiss kita nang sobra. Hindi ka ba nasaktan?"

"Ayos lang ako, Mina. Ikaw? Ayos ka lang ba? Di ka ba nila sinaktan? Nagkita na kayo ng Dad mo? Kauuwi niya lang galing sa business trip. Akala ko hindi ka na makakabalik nang ligtas. Nag-alala ako nang sobra sayo, Mina." Naiiyak na sabi ni Yaya.

"Ayos na ko, Yaya. Nakatakas ako."

"Hindi kayo nagkita ng Dad mo? Pumunta siya kasama ng mga pulis sa lugar kung saan nasabing pinagtataguan ng mga kumidnap sayo." Dagdag niya.

"Hi--Hindi ko siya nakita. Tumakas kasi ako."

"Talaga? Mabuti na lang talaga, Mina. Wag kang mag-alala. Hindi na ulit kita hahayaang mawala." Dagdag niya.

"Yaya, it's not your fault. Ang mahalaga, okay na ko't okay ka."

"Let's go. Ipagluluto kita ng pagkain tapos magpahinga ka na muna. Dala-dala mo padin yang headphones at mp3 player." Sabi niya.

Bigla kong naalala yung taxi driver sa labas na naghihintay ng bayad sa pamasahe ko.

"Yaya, di pa ko nakakabayad sa taxj driver sa labas."

"Sige. Ako nang magbibigay ng bayad." Sagot niya kaya napatango na lang ako. Lumabas na si Yaya. Pagbalik niya, dumating na din naman si Dad.

"Da---Dad. I'm back."

"Oh. Nandito ka na pala. Pasalamat ka't may nagtip sa mga pulis kung saan ka dinala. Mabuti na lang at nahuli na yung mga kumidnap sayo. Mabuti na lang nakabalik na agad ako mula sa business trip. Bakit wala ka dun sa lugar na 'yun? Saan ka nagpunta?" Tanong niya sakin nang paseryoso.

Ni hindi man lang ba niya tatanungin kung ayos lang ako? Ni hindi man lang ba niya ki yayakapin nang mahigpit? Ni hindi man lang niya ko namiss?

"Po? Ahm, tumakas po ko. Nagawa ko pong makatakas. Nagtaxi po ko pauwi."

"Pasaway ka kasi. Look, ganyan ang mangyayari kapag nagpasaway ka pa. Sana natutunan mo na ang lessons mo. Sana may narealize ka sa pagpapasaway mo. Magpahinga ka na't maligo. Umayos ka na." Sabi niya kaya naman napayuko na lang ako.

Sino nga ba ko para sa kanya? Anak lang naman ako eh. Bakit aasa pa ko na someday lalambot din ang puso ng tatay ko? Bakit umaasa pa ko na someday magpapakita siya ng kahit konting pag-aalala at pagmamahal sakin?

"So---Sorry, Dad."

"Sige na. Marami pa kong dapat asikasuhin." Sabi niya sabay lakad na.

Mina, kailangan mong pigilan. Don't cry.

"Mina, mabuti pa. Dumiretsyo ka na muna sa kwarto. Dadalhin ko na lang sayo ang pagkain mo. Okay?" Sabi ni Yaya Jihyo sakin.

"Salamat, Yaya." Agad na kong dumiretsyo sa kwarto't nahiga na lang sa kama.

Pinahid ko kaagad ang luha ko. Don't cry, Mina. Masanay ka na. Palagi namang ganito. Parang wala lang sa kanya na na-kidnapped ka. Siguro dapat namatay na lang ako. Dapat di na ko nakatakas. Wala rin naman akong halaga para sa Dad ko eh.

Inilapag ko na lang sa gilid ang headphones at mp3 player. Kumusta na kaya yung bantay kong snob? Saan na kaya siya nagpunta? Ano na kayang nangyari sa kanya?

💔To Be Continued💔

A/N: Guys, How's my update? Sorry kung lame na yung updates ko. 😢 Medyo nade-depress kasi ako nitong mga nakaraang araw. Pero fighting padin.

Btw, Guys. Sino interesado sumali sa gc kung saan pwede ko kayong makausap kahit free data ako. I'll give story infos etc. Hahahah.

Saka nga pala, suportahan natin ang story ng friend/reader ko na si PanWinker009. "What Is Love" PanWink story niya. Fighting!

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz