70: You & Me

373 8 2
                                    

Chaeyoung's Pov:

Niyaya ko si Nayeon ngayong araw para kumain sa labas at magala. Mabuti na lang pumayag siya.

Una palang, natipuhan ko na siya eh. Simula nung makilala ko siya sa Bar, hindi na nawala sa kanya ang atensyon ko. Palagi kong iniisip kung pwede ba kaming maging closer sa isa't-isa kahit na mayaman siya at mahirap lang ako.

Hanggang text lang naman talaga kami nagkakausap noon since nakuha ko ang phone number niya. Sinong mag-aakala na magkukrus na talaga ang landas naming dalawa?

Ako pa nga yung halos everyday nagtetext sa kanya. Noon, madalang pa siya magreply pero habang tumatagal nagkakasundo na rin kami sa text.

Pasalamat na rin ako sa dare sakin nila Jeongyeon noong nasa bar kami. Dahil dun, nakilala ko si Nayeon.

Kahit na may pagka-cold at isnabera sakin 'yun, alam kong mabuti siyang tao. Nararamdaman ko 'yun at nakikita sa pagaaruga palang niya sa kaibigan niyang si Mina.

Umalis na ko ng bahay dahil inaasar pa ko ni Dahyun. Hinintay ko na dumating si Nayeon sa tabing kalsada sakay ng kotse niya. Sayang eh. Mahirap lang ako. Siya tuloy 'tong nagmamaneho para saming dalawa.

"Hindi 'to date ah." Seryosong sabi niya. Sumakay na ko ng kotse niya't umalis na kami.

"Diba pwede namang magdate ta---"

"No." Cold na sagot niya kaya naman napahikbi ako.

"Bakit ang cold mo sakin palagi sa personal pero sa text ang bait mo sakin?"

"Wala lang." Dagdag niya habang nagmamaneho.

"Rude, Im Nayeon." Natahimik na lang ako sa isang tabi. Minsan hindi ko maintindihan ang ugali niya. Magiging nice sakin tapos maya-maya, cold naman.

"Teka, Saan nga ba tayo pupunta?" Tanong niya habang nagdadrive.

"Kahit saan basta kasama kita." Ngumiti ako sa kanya.

"Ako. Ayos lang din sakin kahit saan basta hindi kita kasama." Sabi niya kaya napasimangot na naman ako.

"Ang bad mo talaga sakin! Aish."

"Thank you." Dagdag niya. Aba. Nag-thank you pa dahil sinabi kong ang sama niya sakin. Ano bang dapat kong gawin para malaman kung ano talaga ang ugali mo, Nayeon?

"Sige. Kumain na lang tayo sa kung saan ko gusto." Sabi ko sa kanya.

"Saan naman 'yun?"

"Pupunta tayong bayan. Ituturo ko sayo ang daan." Sagot ko sa kanya.

"Okay. Fine. Whatever." Sagot niya. Pakiramdam ko tuloy napilitan lang talaga siyang sumama sakin eh.

Inituro ko na sa kanya ang daan hanggang sa marating namin ang destinasyon namin. Ini-park niya sa parking area ang kanyang kotse.

Lumabas kaming dalawa't naglakad-lakad. Malamang hindi siya sanay sa ganitong lugar.

"Bakit nandito tayo?" Tanong niya sakin.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now