56: Cause of Death

389 11 6
                                    

Dahyun's Pov:

I can't control my emotions when I reveal what really happened to Sana. That's right, she's already gone.

She's dead and It's all my fault.

Alam ko yung nararamdaman ni Mina simula nang mawala sa kanya ang mga mahal niya sa buhay. Masakit. Lalo na kapag alam mong wala kang nagawa para iligtas ang taong 'yun.

Ilang beses kong binalikan si Sana sa bahay nila, Ilang beses niya din akong pinagtabuyan.

Naalala ko na naman yung masasayang ala-ala na meron kaming dalawa noon. Mga ala-ala na akala ko'y panghabang-buhay na.

Flashback:


Nakasilong kami sa ilalim ng puno, magkatabing nagpapahinga at kumakain. Naisipan kasi naming mas maganda kung ganito ang magiging date naming dalawa.

Yung kami lang, payapa. Hindi magastos. Nature lang ang kasama. Mas makakapag-usap kami nang maayos.

"Kapag ba nawala ako, anong gagawin mo?" Tanong niya sakin.

"Ano ba namang tanong 'yan?"

"Tinatanong ko lang naman kasi eh. Curious lang ako."

"Malamang iiyak ako nang sobra. Ano ka ba?" Sagot ko sa kanya.

"Eh, Bakit nakakunot na naman yang noo mo? Haha." Natatawang tanong niya.

"Kasi ang weird ng tanong mo eh."

"Ang cute mo kapag nagagalit. Hahaha." Sabi niya sabay pinch sa pisnge ko.

"Kumain na nga lang tayo. Sayang 'tong mga pagkain natin eh." Sabi ko sa kanya sabay ayos na sa mga pagkain.

"Ikaw na lang kainin ko." Bigla niyang sabi kaya naman nanlaki ang mata ko't napatingin sa kanya.

Nagkatitigan kaming dalawa. Maya-maya, hindi na namin napigilan ang sarili namin. Napatawa na kami sa isa't-isa.

"Anong ka-gague-han 'yan, Sana? Haha." Natatawang tanong ko sa kanya.

"Miss lang naman kasi talaga kita. Your touch, hugs and kisses." Sagot niya sabay yakap sakin. Jusko, ang clingy na naman nitong Sana ko.

Saming dalawa, siya yung clingy eh. Magugulat na lang ako, nakayakap na naman pala siya. Pero aminado naman akong gustong-gusto ko 'yung pagka-clingy niya. Sino ba namang makakatiis sa cuteness niya?

Sa tuwing nakasimangot ako, palagi niya kong pinapatawa. Yun nga lang, may pagka-clumsy siya. Kapag hindi binantayan, magugulat ka na lang puro pasa na 'yan dahil hindi nag-iingat sa tuwing tatakbo o lalakad papunta sakin. Pero kahit ganyan siya, mahal ko siya.

"Baby, Say ahhhh~ Sabi niya habang hawak ang isang sandwich na ipapakain niya sakin.

"Ayoko. Ginagawa mo kong bata eh."

"Sige na ~ Baby, Kakain na 'yan ~" May halong pang-aasar na sabi niya kaya napakunot-noo na lang ako sa kanya.

"Sana, I'm not a baby."

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now