98: Forget Her

280 9 2
                                    

Dahyun's Pov:

Nang dumating ako sa bahay ni Tzuyu, sinalubong na naman niya ko ng isang yakap.

"Hands off me."

"Ano nang desisyon mo?" Tanong ng Dad ni Tzuyu sakin.

"Dad! No need to ask that question. Sa itsura palang niya, alam ko na kung anong desisyon niya." Nakangiting sabi ni Tzuyu.

"Masaya ka na?!" Nakakunot noong tanong ko sa kanya.

"Of Course! Sino ba naman kasing hindi sasaya kapag ikaw na naman 'yung pinili?" Nakangising dagdag niya.

"Hindi kita pinili. Pinilit mo ko."

"Aba! Ikaw----" Inis na sabi ni Tzuyu.

"Mabuti naman at nakapagdesisyon ka na. Balak ko pa namang simulan na ang pagbawas sa mga inaalala mong kaibigan kung di ka pa dumating." Sabi ng Dad ni Tzuyu.

"How dare you?!"

"Dad, Pwede ka nang umalis." Sambit ni Tzuyu sa Dad niya.

"Bakit naman ako aalis?"

"Bahay ko kasi 'to." Sagot ni Tzuyu sa Dad niya.

"Bahay ko rin naman 'to."

"Dad! Mag-isa akong nakatira dito. Sa mansion kayo nakatira ni Mom. Please, hayaan mo muna kaming makapagkwentuhan ni Dahyun." Dagdag ni Tzuyu.

"Fine! Umayos ka, Tzuyu. Don't do something na pagsisisihan mo." Bilin ng Dad ni Tzuyu sabay tayo na para umalis kasama ng mga tauhan niya.

Sa bibig pa talaga niya mismo nanggaling ang bilin na 'yun. Sa puntong 'to, hindi pa ba dapat pagsisihan yung ginawa nila? Yung ginawa nilang panggugulo sa buhay namin?

Nakatingin lang ako nang paseryoso kay Tzuyu na masayang ihinatid palabas ang Dad niya't mga tauhan nito.

Nang makaalis na sila, lumapit si Tzuyu sakin para ibaba ang bag ko.

"Simula ngayon, dito ka na titira. Kasama ko." Sabi niya sakin sabay upo sa sofa.

"Mas gusto ko pang tumira sa kalsada kaysa makasama ka!"

"Rude. Okay. Pwede naman pero titira din sa sementeryo ang mga kaibigan mo. Sang-ayon ka ba dun?" Sabi niya kaya naman napatikhom na lang ang kamao ko.

"Umupo ka nga dito. Mangangalay ka diyan." Dagdag niya sabay turo sa tabi niya.

"Mas gusto kong tumayo."

"Nahihiya ka pa. Sige na. Maupo ka na dito sa tabi ko. Don't worry, I don't bite. Pwera na lang kung gusto mo." Nagsmirk siya sakin kaya naman napairap na lang ako sa kanya.

"Gusto ko lang ipaalala sayo na ginawa ko 'to para kay Mina. Hindi para sayo."

"Gusto ko ring malaman mo na wala ka nang magagawa kundi manatili sa tabi ko. Kalimutan mo na si Mina. Kalimutan mo na ang ugnayan mo sa kanya. Huwag kang mag-alala, akong bahala sayo. Lahat ng sakin, pwede ring maging sayo. Hindi ka maghihirap." Dagdag niya sabay tayo't hawak sa braso ko kaya naman lumayo ako sa kanya.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now