44: Alone

321 9 4
                                    

Mina's Pov:

Nang makapasok ako sa loob ng mansion, hindi ko nagustuhan ang naabutan ko.

Si Yaya Jihyo, ang tumayong pangalawa kong ina. Kitang-kita ng mata ko ang nakahandusay niyang katawan sa sahig malapit sa hagdan.

"N---No." Nasabi ko na lang habang dahan-dahang lumalapit sa kanya.

"Mina? What are you doing here?" Napalingon ako kay Dad.

Ang daming tao sa paligid na nakikiusisa. Ang daming dumating na reporters. Marami ring police na nag-iimbestiga.

"Yaya Jihyo? No! Wake up. Yaya! Ano ba? Ano 'to?" Tuluyan na kong napahagulgol habang yakap yakap ang Yaya ko. Hindi na siya humihinga. Wala na siyang pulso. Kahit na puro dugo na ko, wala akong pakialam.

"Dad, What happened to Yaya?!"

"Hindi ko alam. Nagpapahinga ako sa kwarto nang bigla siyang sumigaw. Naabutan ko siyang nakahandusay na sa sahig. Nagiimbestiga na ang mga pulis. Hinala nila, baka nahulog ang Yaya mo sa hagdan. Wala naman dito ang ibang maid kaya walang nakakita sa nangyari. Nakapatay din ang mga CCTV." Sagot ni Dad.

"N--No! Ano pang hinihintay niyo? Save her!" Sigaw ko sa dumating na ambulansya.

"Mina, Huwag kang mageskandala. Maraming tao." Bulong ni Dad sakin.

"Dad. It's my Yaya! Hindi ko matatanggap na nangyari sa kanya 'yan. Tinawagan pa niya kasi may sasabihin daw siyang importante." Sagot ko kay Dad na agad akong hinawakan sa kamay.

Nang hilahin ako ni Dad, dinala na ng emergency team ang katawan ni Yaya.

"Yaya! Dad, Sasama ko sa hospital. Pupuntahan ko si Yaya!" Sigaw ko habang umiiyak.

"Mina, Pwede ba? Kumalma ka! Sila na ang bahala kay Manang Jihyo. Ikaw, Manahimik ka muna dito sa bahay. Ako na ang mag-aayos ng gulo na 'to." Sagot ni Dad.

"No. Hindi ako pumunta dito sa mansion para dito na ulit manirahan. Si Yaya Jihyo ang pakay ko dito. Pwede ba? Aalis na ako!" Akma na sana akong aalis nang biglang senyasan ni Dad ang dalawang tauhan niya na dalhin ako sa kwarto ko.

Hinila nila ako sa loob ng kwarto't kinuha ang phone ko.

"Hoy! Buksan niyo 'to. Please!" Umiiyak kong pagmamakaawa sa kanila pero hindi nila ako pinakinggan.

Napalupasay na lang ako sa sahig habang umiiyak dahil wala na naman akong nagawa.

Nang makita ko si Yaya Jihyo na duguan kanina, naalala ko si Mom. Naalala ko yung panahon na namatay siya't wala akong nagawa.

Nagbumbalik lahat ng sakit at pagsisisi na naramdaman ko. Nung kailangan nila ako, wala ako sa tabi nila. Ganitong-ganito din ang nangyari. Wala rin akong nagawa. Ni hindi ko alam kung anong nangyari sa kanilang dalawa. Wala akong kwenta. Wala akong nagawa para iligtas sila.

Hindi ko maintindihan. Bakit ganito?! Puro pasakit na lang ang nangyayari sa buhay ko. Nalaman kong hindi pala talaga ako ginustong maging kaibigan ni Dahyun. Tapos ngayon, nalaman kong nasa bingit ng kamatayan ang Yaya ko.

Akala ko ba may sasabihin siya sakin?! Andaya. Andaya ni Yaya. Matanda na si Yaya. Paano kung tuluyan na siyang mawala? Wala na siyang pulso kanina. Paano kung tuluyan na naman akong mawalan ng mahal sa buhay? Ano nang gagawin ko?!

Ni hindi ko nga magawang makalabas sa mansion na 'to ngayon. Wala akong kwenta!

Nagmukmok na lang ako sa kwarto't umiyak nang umiyak hanggang sa tuluyan na kong makatulog.

Nang imulat ko ang mata ko, gabi na pala. Ano na kayang nangyari kay Yaya? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nawala siya.

Maya-maya, bumukas ang pinto ng kwarto ko. Pumasok si Dad sa loob kasama ng isa sa maid namin.

"Kumain na po kayo, Ma'am." Inilapag na ng maid sa table ang pagkain bago umalis ng kwarto.

"Akala ko po walang maid. Malamang nakita nila kung anong nangyari kay Yaya."

"Walang ibang maid kanina. Pinapunta ko lang sila kaninang hapon. Wala na kasing mag-aasikaso dito sa mansion." Sagot ni Dad.

"Si Yaya. Diba siya naman ang nag-aayos dito sa mansion. Kapag gumaling siya, babalik siya dito." Pinipilit ko ang sarili kong isipin na walang nangyaring masama sa Yaya ko. Kailangan kong magpakatatag.

"Ikinalulungkot kong sabihin, Mina. Wala na ang Yaya Jihyo mo."

Nang marinig ko ang sinabi ni Dad, tuluyan na namang bumagsak ang luha ko.

"What? Wala na si Yaya? Niloloko mo ba ko, Dad? Kaya ni Yaya 'yun. May sasabihin pa siya sakin eh. Hindi pwedeng wala na siya. Hindi pwede. Diba okay lang siya? Diba?" Umiiyak kong sagot kay Dad na seryosong nakatayo lang sa gilid ng pinto ng kwarto ko.

"I'm sorry, Mina. She's gone."

"No. Pupuntahan ko si Yaya!" Akma na sana akong lalabas kaso humarang si Dad.

"Gabi na, Mina. Dinala na sa probinsya ang katawan ng Yaya mo." Sagot niya sakin.

"No! Ni hindi niyo man lang ako hinayaang makita siya sa huling pagkakataon?! Why?! Kailangan ko siyang puntahan sa probinsya. Please, Dad." Nagmamakaawa kong sabi kay Dad pero hindi siya pumayag.

"No! Mainit ang mga reporters satin. Kailangan ko munang ayusin ang gulo na 'to. Hindi ka muna pwedeng lumabas ngayon. Ako nang mag-aayos nito. Wag kang dumagdag sa problema!" Sagot niya sabay sarado na ng kwarto ko.

"Daaaaaad!" Wala na kong nagawa kundi sumigaw nang sumigaw. Ano nang gagawin ko? Bakit nangyayari sakin 'to?

Gusto ko lang namang makita si Yaya sa huling pagkakataon eh. Bakit ganun? Bakit hindi nila ko magawang pagbigyan? Bakit ang lupit ng tadhana sakin? Bakit?!

Wala na si Mom. Wala na si Yaya Jihyo. Wala na ang dalawang taong nakakaintindi sakin. Ni hindi ko man lang nagawang makita si Yaya na nakangiti sa huling pagkakataon. Ni hindi man lang kami nagkausap sa huling pagkakataon. Ni hindi ko man lang nasabi sa kanya kung gaano siya kahalaga sa buhay ko. Ni wala akong nagawa para iligtas siya.

Wala talaga akong kwenta. Duwag. Makasarili. Dahil sa kagustuhan kong magawa ang mga bagay na hindi ko magawa noon, iniwanan kong mag-isa si Yaya Jihyo. Wala ako sa tabi niya nung mga panahong namimiss niya ko. Nung mga panahong nag-aalala siya, wala ako sa tabi niya.

Dapat ako na lang 'yung namatay. Dapat ako na lang 'yung nawalan ng buhay. Bakit? Dahil wala namang kwenta ang buhay ko. Eh si Yaya, meron pa siyang pamilya na nagmamahal sa kanya sa probinsya.

Kasalanan ko 'to. Dapat ako na lang 'yung nawala sa mundong 'to dahil wala nang nagmamahal sakin. Pagod na pagod na ko. Hirap na hirap na ko sa buhay na 'to.

😢To Be Continued😢

A/N: Salamat sa paggabay kay Mina, Yaya Jihyo 😢

Don't forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now