66: Another Poem

338 11 6
                                    

Mina's Pov:

Bawat salita at yakap ni Dahyun sakin kahapon, tumatak talaga sa isipan ko.

Nakaramdam ako ng sobrang saya. Nakaramdam ako ng pag-asang mas magiging maganda pa ang samahan naming dalawa.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nakapagpabago ng isip niya kaya pinili na niyang muling bumangon. Pero isa lang ang alam ko, sasamahan ko siya. Sasabayan ko siya sa pagsisimula niya ng bagong buhay.

Ang mahalaga, nagiging maayos na ang kalagayan niya. Kanina pa ko nagising pero hindi muna ko bumangon dahil sa kakaisip sa mga pinag-usapan namin ni Dahyun kagabi.

Aish. Ano ba 'yan, Mina? Hihiga ka na lang ba maghapon habang inaalala kung gaano kasayang makita na nakangiti na ulit si Dahyun? Ano ba naman 'tong nangyayari sakin? Bakit ganito ang epekto ng sweet acts niya sakin kagabi?

Kinuha ko na yung headphones at mp3 player. Napangiti ako habang isinusuot ang headphones. Noon, ibinigay niya sakin 'to dahil napag-utusan siya. Ngayon, ibinigay niya ulit sakin 'to dahil magkaibigan na kami. Siguro yun yung dahilan kaya nakakaramdam ako nang sobrang saya sa tuwing maaalala ko siya.

Pinindot ko na ang play button. Nagsimula ang isang love song. Nanatili lang akong nakahiga habang iniisip ang mga maaaring mangyari kapag nagpatuloy ang lahat nang maayos.

"Naniniwala na ako sa forever magmula nang makilala kita
Eh kaya nga di ako sumurrender ano man ang sinasabi nila
Pagkat sayo natagpuan ang ipinagkait sakin
At sayo naramdaman ang di ko akalaing ipaglalaban ko."

Napabangon ako sa kama't na-pause ko yung kanta dahil sa pagbukas ng pinto ng kwarto. Sumulpot si Dahyun na masayang nakatingin sakin.

"Good morning." Bati niya nang nakangiti. Mukhang good mood siya ngayon 

"Ah. Good morning din, Dahyun. Mukhang good mood ka ah." Bati ko rin sa kanya.

"Wala naman. Gusto ko lang kasing maging maayos na ang lahat." Sagot niya sabay lapit sakin.

Nagulat ako nang umupo siya sa tabi ko. Bigla niya kong inakbayan sa balikat kaya naman hindi ako makagalaw.

"Maganda yung weather ngayon. Magandang magala ngayon." Biglang sabi niya.

"Ah, Oo. Maganda nga. Hehe." Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako nang ganito. May kakaiba sa pagtibok ng puso ko.

Dugdugdugdugdugdug ~ Habang tumatagal na nakaakbay siya sakin, mas bumibilis. What should I do?

"Pero mas maganda yung katabi ko." Nanlaki ang mata ko sa idinagdag niya. Omg. Ako?

"Huh?"

"Maganda ka parin pala talaga kahit na bagong gising." Sagot niya sabay pinch pa sa cheeks ko.

"Sa--Salamat." Namula yung pisnge ko sa sinabi niya. Omg. Kim Dahyun, Bakit parang ang clingy mo ngayon? Anong gagawin ko sa puso kong mas bumibilis pa sa pagtibok dahil sa mga tingin mo? Mamamatay na yata ako.

"Namumula ka but you're still cute. What should I do? Can I ask you something?"

"A--Ano yun?"

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Kde žijí příběhy. Začni objevovat