95: Sacrifice

293 10 6
                                    

Dahyun's Pov:

Masaya na sana ang lahat nang pangyayari sa paglalakad namin ni Mina nang magkaholding hands para pumunta sa open store.

Pero sa isang iglap, nakita ko sa kabilang kalsada 'yung isa sa tauhan nila Tzuyu. Natandaan ko kasi 'yung mukha nila. Biglang akong ninerbyos at napahinto.

Nahalata ni Mina ang pagbabago sa mood ko kaya naman minabuti kong ipakita sa kanyang ayos lang ako. Binalewala ko 'yung tauhan nila Tzuyu na nagmamatyag samin.

Nagmadali na lang akong dalhin si Mina sa loob ng store para makakain na kami't makabalik na sa bahay. Napalingon naman ako sa tauhan nila Tzuyu na agad ring lumakad palayo.

Napabuntong-hininga ako nang hindi ko na makita yung tauhan nila Tzuyu. Bakit nagpadala sila ng tauhan? Ano bang gusto nilang gawin ko?

Nawawala na ko sa focus sa kakaisip kung anong gagawin ko ngayong alam kong mas nalalapit na ang kapahamakan kay Mina. Hindi ko pwedeng hayaan na malagay siya sa panganib. Hindi rin pwedeng malaman niya kung anong nangyayari. Ayokong mag-alala siya. Ayokong isipin niyang pabigat siya sakin.

Sa kabila ng nararamdaman kong kaba, pinili ko paring mas maging matatag. Nagawa ko pang makipagkwentuhan kay Mina tungkol sa mga nangyari samin noon.

Nakakalungkot lang isipin na hindi ko masabi-sabi sa kanya na nasa panganib na naman siya't handa na naman akong iligtas siya.

Inituturing niya kong super hero niya. Hindi ko alam kung dapat ko na bang sabihin sa kanya pero isa lang ang alam ko, kailangan ko siyang protektahan.

Matapos kumain, nagdesisyon na kaming lumabas ng store. Napabitaw lang ako sandali sa kamay ni Mina para magtapon ng basura sa basurahan sa tabi ng kalsada, paglingon ko ay may parating nang familiar na van na muntikan nang makasagasa kay Mina.

Sa mabilis na segundo, nagawa kong hilahin si Mina sa tabi bago pa siya tuluyang mabunggo ng van. Kahit si Mina gulat na gulat sa nangyari. Agad rin namang humarurot paalis ang van. Alam ko kung sinong may ari ng van na 'yun. Sa van na 'yun ako isinakay ng tauhan nila Tzuyu.

"Mina! Are you okay?"

"A--Ayos lang ako. Maraming salamat. Iniligtas mo na naman ako." Sagot niya sakin na halata namang ninerbyos din.

Napayakap ako sa kanya nang mahigpit dahil sa sobrang pag-aalala. Hindi ko alam kung anong dapat kong unahin. Halos maiyak na ko pero gusto kong pigilan yung luha ko dahil ayokong makita niya kong nagkakaganito. Gusto ko rin naman siyang kausapin para alamin kung ayos lang ba talaga siya pero hindi ako makapagsalita nang maayos dahil sa sobrang kaba.

Muntikan na siyang mamatay! Paano ko kakalma?! Seryosong bagay 'to. Mukhang hindi talaga titigil sila Tzuyu. Mukhang kailangan ko na ngang magdesisyon.

"Ayos lang ako, Dahyun. Baka lasing lang 'yung driver nung van." Sabi ni Mina habang kayakap ako.

"Ayokong masaktan ka." Nasabi ko na lang. Nang bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya, hindi ko na napigilang mapaupo sa sahig.

"Dahyun!" Nagulat si Mina sakin.

"Kailangan kitang protektahan." Sabi ko habang nakaupo sa sahig.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon