65: Don't Give Up

392 11 0
                                    

Dahyun's Pov:

I can't believe na ganun ang magiging reaksyon ni Mina matapos niyang malaman ang katotohanan sa buhay na meron ako.

Buong akala ko ay aalis na siya't lalayo na sakin pero hindi ganun ang nangyari.

Nanatili siya sa tabi ko kahit na alam niyang delikado ko. Hindi ba talaga siya natatakot o nasusuklam sakin o sadyang naaawa lang siya kaya naman pinalalabas niyang tanggap niya kung sino ko? Naguguluhan parin ako kung maniniwala ba kong may tao pa palang hindi matatakot sa katotohanan na masama akong tao.

Nanatili lang ako sa kwarto matapos kong malaman na alam na ni Mina na ako at ang nagbantay sa kanya noong makidnapped siya ay iisa. Binabagabag padin ako ng trust issues ko sa ibang tao.

Pakiramdam ko nagi-guilty lang si Mina sa pagpapaalala sakin sa nakaraan ko kaya nananatili parin siya dito. Pero may iba kong naramdaman nang yakapin niya ko. Hindi ko mai-explain ng maayos yung pagkakomportableng naramdaman ko sa yakap niya.

Ano ba naman 'tong nararamdaman ko? Nahihibang na ba ko dahil sa kakaisip kung bakit ganun ang actions ni Mina sakin? Nababaliw na ba ko dahil bumibilis yung tibok ng puso ko sa tuwing niyayakap niya ko? Tama bang nakakaramdam ako nang pagkaprotektado sa tabi niya? Tama ba ang narinig kong gusto niya kong sabayan sa muling pagbangon ko?

Aish. Myoui Mina, you're making me crazy. Damn it. Tumayo na lang ako't pumuwesto sa tabi ng bintana para tumingin sa labas. Nakita ko si Momo na naglalakad pauwi kasama si Jeongyeon. Tumatawa silang dalawa habang naguusap. Mabuti naman at nakakangiti na sila't nakakatawa sa kabila ng nangyayari sakin.

Yung mga ngiti na 'yun, masaya na ko sa tuwing makikita ko. Makita ko lang silang maayos, ayos na rin ako. Ang gusto ko lang naman, wala nang masaktan na mahal ko sa buhay.

Ayokong nalalagay sa peligro ang buhay ng mga taong nasa inner circle ko.

I don't want to risk everything. I don't want to lose any of my loved ones. Pero paano ko sila poprotektahan kung magkukulong lang ako sa kwarto ko? Tama. Hindi ko magagawa 'yun kapag hindi ako tumayo dito't lumabas ng kwarto.

Hindi ko parin alam kung sino talaga ako. Hindi ko alam kung anong kulang sa buhay ko kaya nagkakaganito ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin para tuluyang mapalaya at makalimutan si Sana na alam kong kahit kailan ay hindi na babalik.

Nanatili muna ako sa kinauupuan para sa mga sumunod na oras. Hanggang sa abutin na ko ng dilim sa kinauupuan ko. Kanina pa naglalaban ang kalooban ko kung anong gagawin ko.

Napalingon ulit ako sa labas ng bintana. Nakita ko si Mina na mag-isang palakad-lakad sa labas. Anong ginagawa niya? Mukhang malalim ang iniisip niya.

Huminga ako nang malalim at tumayo na sa pagkakaupo. Inaasahan ako ng mga mahal ko sa buhay. Hinihintay ako ng mga kaibigan ko. Hinihintay ako ng taong hindi nawalan ng tiwala sakin kahit na alam na niya ang katotohanan.

Inilagay ko sa bulsa yung mp3 player at isinakbit sa leeg ko yung headphones. Lumabas na ko ng kwarto. Napalingon sakin sina Chaeyoung, Momo at Jeongyeon. Nandito rin pala sa loob ng bahay si Momo kaya pala medyo maingay. Naglalaro sila ng baraha.

"Dahyun, Saan ka pupunta?" Tanong ni Momo.

"Bakit mag-isa sa labas si Mina?"

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now