60: Here For You

332 9 2
                                    

Mina's Pov:

Hindi pwedeng hayaan na lang namin na magkaganun si Dahyun. Ayokong nakikita siyang nagkakaganun. Kinakaya ko ngang bumangon eh, kaya alam kong kakayanin niya rin. Mas kaya niya kaysa sakin dahil hindi niya naisipang magpakamatay.

Somehow, nakikita ko yung sarili ko sa kanya. Nakikita ko sa mata niya na sobrang lungkot niya sa pagkawala ng mahal niya sa buhay.

Gusto ko siyang tulungan. Gusto ko siyang makitang bumangon. Gusto kong makita na nakangiti na ulit siya. Gusto ko siyang kasama sa pagsisimulang muli. Gusto kong sabayan siya sa paglaban sa mga problemang kinahaharap naming dalawa.

Madilim na nang matapos ang pagtitinda namin ni Momo. Naisipan naming bumisita kila Dahyun. Naabutan namin siyang sumisigaw-sigaw sa loob ng kwarto niya. Lasing na pala siya.

Hinahanap niya si Sana. Siguro mahal na mahal niya si Sana kaya hanggang ngayon nasasaktan parin siya.

Pinagkamalan pa niya kong si Sana. Miss na miss na siguro niya ang first love niya.

Napagdesisyonan nila Chaeyoung na iwanan na muna kami sa kwarto para makausap ko siya.

Nang matira na kaming dalawa sa loob, hinawakan ko siya sa kamay habang patuloy lang siya sa pag-iyak sa paghahanap kay Sana.

"You're not Sana, Leave." Sabi niya habang patuloy sa pag-inom ng alak.

"Yes, I'm not Sana. But I'm Mina. You're friend. As a friend, I won't let you suffer alone. Instead, let's suffer together." Inagaw ko ang bote ng alak na iniinom niya't inilapag sa table.

"Ano bang kailangan mo sakin?! Diba gusto mo nang umalis? Lakad na!"

"I won't leave you. I'll stay here for you."

"Stay? Please, I don't need your help." Sagot niya sakin sabay bitaw sa kamay ko.

"Even if I'm just a stranger, Still I'll treat you as my friend. Kim Dahyun, You're not alone." Dagdag ko sabay lapit sa kanya.

"Just leave me alone. I'm a bad person." Sagot niya sabay layo ulit sakin.

"Tama ka, nararamdaman mo rin yung sakit na nararamdaman ko. Pareho tayong nakaranas mawalan ng mahal sa buhay. Bakit 'di tayo bumangon nang sabay? Bakit 'di tayo magtulungan? Let's help each other."

"Ayoko nang bumangon. Ayos na ko sa ganitong buhay." Sagot niya sabay yuko na lang.

"Dahyun, naniniwala akong kakayanin mo 'to. Kasi ako, kinakaya ko. Kakayanin mo rin. Nasaan na yung Dahyun na hindi umalis sa tabi ko noong halos sumuko na ko? Come on."

"Masama akong tao. Lahat ng nasa paligid ko, mapapahamak lang sa kamalasan ko." Sagot niya sakin sabay iling na lang.

"Tama. Kaya gusto kitang tulungan. Ganyan din ang tingin ko sa sarili ko. Pareho tayo. Pakiramdam ko lahat ng nakapaligid sakin, masasaktan lang. Naiintindihan kita. Alam ko ring naiintindihan mo ko. Kakayanin natin 'to nang magkasama." Paliwanag ko sa kanya kaya naman napatingin siya sakin.

"Maibabalik pa ba ng mga sinasabi mo si Sana?" Tanong niya kaya natigilan ako.

"Hindi. Pero maibabalik nito yung Dahyun na nakangiti kapag kasama ko."

"Napapagod na ko sa buhay na 'to." Dagdag niya.

"Matuto kang magpahinga, hindi sumuko."

Nanatili lang siyang nakayuko hanggang sa mapansin kong parang tulog na siya.

"Da--Dahyun?" Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang gumalaw. Gising pa pala siya.

"Nahihilo na ko pero nasasaktan padin ako." Sambit niya sabay dahan-dahang tayo. Tumayo na rin ako para alalayan siya. Nagulat ako nang bigla siyang matumba sakin. Mabuti na lang at naalalayan ko siya. Medyo mabigat siya pero kaya naman.

Nakaka-awkward 'tong pwesto namin dahil pareho kaming nakatayo't parang nakayakap na siya sakin sa pagkakatumba niya.

Buong lakas ko siyang ihiniga sa kanyang kama. Kinumutan ko siya't iniayos ang higa niya.

"Dahyun, Rest for now. I know you can do it." Nasabi ko na lang habang pinagmamasdan siya.

Inayos ko ang buhok niyang magulo. Habang pinagmamasdan siyang matulog, hindi ko maiwasang isipin na attractive pala talaga siya.

I came closer to Dahyun para mas mapagmasdan pa nang maigi ang mukha niya. Ang cute pala niyang matulog. Habang mas lumalapit ako sa mukha niya, bumibilis lalo yung tibok ng puso ko. Napaiktad ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya.

"Ah---What are you---" Si Momo pala.

"Nagkakamali ka nang iniisip. Chinecheck ko lang kung---"

"Kung ano?" Tanong niya.

"Kung may dumi siya sa mukha." Palusot ko sabay smile kay Momo.

"No need to explain. It's okay. You're doing well, Mina. Thank you for staying beside Dahyun." Sagot niya sabay smile sakin.

"Hindi mo na ko kailangang pasalamatan. Ginagawa ko 'to dahil gusto ko. Gusto ko siyang kasama sa pagsisimula ng bagong buhay. Gusto ko siyang makasama. Yun 'yung gusto ko." Sagot ko kay Momo sabay smile rin.

"Maglilinis na muna ko ng mga kalat sa kwarto niya." Sabi ni Momo sabay kuha na sa bote ng alak.

"Tutulong ako." Nagsimula na rin akong mag-ayos ng mga gamit niya. Inisalansan ko yung mga gamit na nakakalat. Nagwalis naman si Momo. Ibinalik ko sa cabinet yung mga dapat na nakalagay doon hanggang sa may makita akong piraso ng tela na may stain pa ng konting dugo.

"Ano 'to?" Tanong ko kay Momo. Natigilan naman si Momo nang makita akong hawak ang puting tela na may stain ng dugo.

Parang familiar 'tong tela na 'to. Bigla ko tuloy naalala yung snob kong bantay noong makidnapped ako. Naalala ko yung sugat niya. Yung moment na tumatakas kami. Bago kami maghiwalay, pinunit ko yung bandang ilalim na part ng palda ko para ibalot sa sugat niya.

Napatingin ako kay Dahyun habang inaalala yung moment na 'yun.

"Familiar 'to sakin." Sabi ko sabay tinging mabuti kay Dahyun. Magkamukha rin sila ng mata nung snob kong bantay. Pareho rin silang may sugat noon sa kaliwang braso.

"Di kaya ----"

"Mina, Tara na sa labas. Hayaan na muna natin si Dahyun magpahinga. Baka magising pa siya. Ibalik mo na yan sa cabinet." Sabi ni Momo kaya napatango na lang ako.

Ibinalik ko na yung tela sa cabinet ni Dahyun at lumabas na rin. Siguro nagkakamali lang ako.

Lumabas na muna kami ni Momo sa kwarto ni Dahyun para hayaan siyang makapagpahinga. Hindi na rin muna kami nakipagkwentuhan kila Chaeyoung at Jeongyeon dahil inaantok na kaming lahat.

Sana maging maayos na ang lahat bukas. Gagawin ko ang lahat para matulungan si Dahyun.

💕To be Continued💕

A/N: Guys, Sorry kung bitin ulit. Haha. Pagod na ko. Fighting! Lowbat na rin cp ko. Lol

Don't forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now