78: First Date

397 11 11
                                    

Author's Note: Guys, narealize ko na malapit na pala sa 100 chapters 'to pero pakiramdam ko nasa gitna palang tayo ng story. Haha. Baka abutin siya ng 125 chapters. Dapat talaga 50 chapters lang 'to pero dahil sa support niyo, mukhang lalampas ng 100 chapters. Saranghaeyo! Kamsahamnida. Happy 4k Reads!  Oh sige. Tama nang daldal ko, basahin niyo na. Hahaha.

Dahyun's Pov:

Nang imulat ko ang mata ko, agad na akong napaiktad sa kama. Special ang araw na 'to kaya hindi dapat nagsasayang ng oras.

Nagmadali na kong naligo't nag-ayos ng sarili. Habang nagtu-toothbrush, hindi ko mapigilang mapangiti. Napahawak ako sa labi ko, naaalala ko pa yung moment namin ni Mina kahapon.

Bakit hinalikan ko siya, sa pangalawang pagkakataon? Hindi ko din alam. Basta pakiramdam ko, yun yung gusto kong gawin. Hindi ko mapigilan yung sarili ko na pagmasdan ang magandang mukha niya. Gustong-gusto kong nakikitang nakangiti siya.

Masaya akong naayos na namin ang hindi pagkakaintindihan tungkol kay Tzuyu. Pero mas masaya akong pumayag si Mina na sumama sakin ngayong araw. Bakit niyaya ko siya? Totoo 'yung sinabi ko kahapon na gusto kong mas makilala namin ang isa't-isa.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang tumatakbo sa isip ko. Isa lang ang alam ko, gusto kong makasama si Mina. Masaya ako kapag nasa tabi ko siya. Masaya akong nakikita rin siyang masaya.

"Hoy! Goodluck sa date mo." Sabi ni Jeongyeon.

"Makikipagdate din ako kay Nayeon!" Sabi naman ni Chaeyoung. Mukhang asar padin siya dahil sa pang-aasar namin kagabi. Hahaha.

"Ang tanong, ide-date ka ba ni Nayeon?" Nakapamewang na tanong ko sa kanya.

"Sana pumalpak ang date mo!" Pagganti niya sakin.

"Talaga? Eh, hindi naman date 'yun. Maggagala lang kami."

"Tungunung 'to talaga. Ganun na rin 'yun. Hanggang kailan mo ba ide-deny na may something special sa pagitan niyo ni Mina? Sasabihin mo parin bang friends lang kayo?" Dagdag ni Chaeyoung.

Ahm, hindi ko rin alam kung anong maitatawag ko sa relationship namin ni Mina ngayon eh. Basta alam ko, gusto kong mas makilala namin ang isa't-isa.

"Basta alam ko, masaya ako kapag kasama siya. Wala na kayong pakialam kung ano mang namamagitan saming dalawa. Balakayojan." Lalabas na sana ako ng bahay nang magsalita si Jeongyeon.

"Alam mo na naman siguro kung paano makipagdate since nagdate na rin naman kayo ni Sana noon, diba?" Sabi ni Jeongyeon kaya napahinto ako.

"What do you mean?"

"Ibig sabihin, gawin mo lang 'yung kung paano kayo magdate ni Sana noon." Dagdag ni Chaeyoung.

"Excuse me. Si Mina ang kasama ko ngayon, hindi si Sana." Sagot ko sa kanila sabay pamewang pa.

Hindi ko gagawin kung ano mang klaseng date ang meron kami ni Sana noon. Sa paggagala namin ni Mina ngayon, pipiliin kong gawin ang mga bagay na pareho naming magugustuhan ni Mina. I'll enjoy my day with Mina, not with Sana.

"Oh! In-love ka na nga ulit." Sabi ni Jeongyeon.

"Tama. Mukhang nawawala na sa puso't utak mo si Sana eh. Napapalitan na ni Mina. Ayieh!" Pang-asar na naman ni Chaeyoung.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now