84: Hugs & Kisses

445 18 25
                                    

Mina's Pov:

I can't believe na talagang magpapabalik-balik si Tzuyu dito para lang magbigay ng kung ano-ano kay Dahyun.

Konting-konti na lang talaga mapupuno na ko sa babaeng 'yun. Ang ganda-ganda ng mood ko kanina tapos dumating siya, wala na finish na.

Nagstay na lang ako sa kwarto't nahiga sa kama para magmukmok. Nagtext si Dahyun sakin na pupuntahan niya daw ako. Eh ano pa ba? Alam kong kailangan naming mag-usap nang masinsinan.

Agad din naman siyang dumating. Lumapit siya't nahiga sa tabi ko kaya lumayo ako sa kanya.

"Mina. Pag-usapan natin 'to." Sumusuyong sabi niya.

"Sabi ko naman sayo, hindi titigil ang pinsan ko hanggang sa makuha niya ang gusto niya."

"Hindi din naman ako titigil hanggang sa tuluyan niya na kong lubayan eh." Hinawakan niya ko sa balikat kaya naman tinanggal ko ang paghahawak niya.

"Eh, Ano kaya kung ibigay mo na kung anong gusto niya?!"

"Huh? Bakit gusto mong ibigay ko ang sarili ko sa kanya?" Tanong niya kaya naman napalingon ako sa kanya nang may inis sa mukha.

"Anong sinasabi mo? Bakit ko sasabihing ibigay mo ang sarili mo sa kanya? I mean, tanggapin mo na yung bigay niyang regalo! Don't tell me --- gusto mong ibigay yung sarili mo sa kanya?!"

"Ah. So--Sorry. A--Akala ko kasi eh. Diba kasi sabi niya, pareho ang gusto niya. Gusto niya ko't gusto niyang mapabagsak ka." Dagdag niya.

Aba! Talaga namang --- Initatak talaga niya sa isipan niyang gusto siya ni Tzuyu?

"Eh di magsama kayo!" Bumangon ako sa kama't naupo sa gilid.

"Hey, Mina. Hindi sa ganun. Ang gusto ko, maayos natin 'tong misunderstanding na 'to." Sabi niya sabay bangon na rin at tabi sakin.

"So ano? Nasaan na ang pinsan kong walang ginawa kundi mamburaot sa buhay ko?"

"U--Umuwi na."

"Mabuti naman. Dahil kapag napuno ako, malalagot talaga siya sakin."

"Mina, Alam mo namang ikaw 'yung gusto ko diba. Ikaw lang. Wala nang iba. Kahit na ano pang gawin ni Tzuyu, ikaw parin ang gusto ko. Pangako ko 'yan sayo." Hinawakan niya ko sa kamay.

"Kasi naman eh, hindi ko maiwasang mainis."

"Naiintindihan kita. Normal lang na mainis ka dahil nagseselos ka."

"Ako? Nagseselos? Hindi kaya! Bakit naman ako magseselos?!"

"Nagseselos ka eh. So okay lang sayo kahit mapunta ko kay Tzuyu?"

"Of course not! Oo na! Nagseselos ako sa tuwing makikita ko kayo nang magkasama. Happy?!" Nakakunot-noong sagot ko sa kanya.

Nakikita na niyang bad mood ako pero imbes na lumayo, hinalikan niya ko sa pisnge.

"Anong trip mo?!"

"Ipinapakita kong ikaw talaga 'yung gusto ko." Sagot niya sabay kiss ulit sa pisnge ko. Napakunot-noo na lang ako sa kanya pero nanatili siyang nakangiti sakin. Inaamin ko, nakakawala talaga ng bad mood 'yung smile na ipinapakita ni Dahyun sakin ngayon.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now