58: Feelings

358 10 3
                                    

Mina's Pov:

Hindi ko alam ang isasagot sa tanong ni Momo. Sino nga ba si Dahyun para sakin?

"Hi--Hindi ko alam."

"Hindi mo alam? Just tell me kung anong nararamdaman mo kapag kasama mo siya."

"Well, masasabi kong pakiramdam ko safe ako sa tuwing kasama siya. Pakiramdam ko may nagmamahal talaga sakin. Pakiramdam ko walang makakasakit sakin. Pero matapos kong malaman na dare pala yung pag-approach niya sakin noon, aminado kong nasaktan at nagalit ako. Pero meron akong feeling na kahit ginawa niya 'yun, gusto ko parin siyang makita o makasama. Noong mga panahong nakakulong ako sa kwarto, naisip ko siya. Naisip ko kung darating ba siya para protektahan ako. Sa tuwing naaalala ko yung mga kabutihan niyang ginawa para sakin, mas nangingibabaw yung kagustuhan na makasama siya kaysa yung inis nang dahil sa dare." Paliwanag ko.

"Fine. Hindi naman ako ang makakasagot niyan eh. It's you. Alamin mong mabuti." Sagot niya.

"Pero bakit? Paano ka? Paano yung feelings mo para sa kanya?"

"Nandito parin naman 'yung feelings ko sa kanya. Pero alam kong hindi rin ganito ang nararamdaman niya para sakin. Ang gusto ko, maging masaya siya. Gusto kong makalaya na siya mula sa nakaraan. Gusto kong makita na ngumiti siya. Nakikita ko yung ngiti niyang walang kasing-saya kapag nandiyan ka. So, take care of Dahyun. Ibibilin ko muna siya sayo. It's your chance para alamin kung ano ba ang nararamdaman mo para sa kanya. Goodluck." Paliwanag niya sabay smile sakin.

Ngayon lang yata ngumiti sakin si Momo. Nakipagshake hands siya sakin. Pero sa kabila ng ngiti niya, lumiligid na ang luha niya.

"Oh my god, You're crying." Nakita kong pumatak ang luha niya kahit na nakangiti siya.

"No. It's nothing. I'm fine. Ganito lang talaga kapag ipinapaubaya mo na yung taong mahal mo. Gagawin ko 'to dahil mahal ko siya. Gusto kong maging masaya siya sa taong mahal niya." Dagdag niya.

"I'm sorry about it, Momo. Anong gagawin ko? Pakiramdam ko nanira ako ng love story."

"Gague." Napatingin ako sa isinagot niya sakin. Ako? Gague?

"Gague? Ako?" Gulat kong tanong sa kanya.

"Oo. Gague ka. Haha." Sagot niya sabay tawa't punas sa luha niya.

"Hi--Hindi ko maintindihan."

"Kahit kailan hindi kami nagka-love story ni Dahyun kaya gague ka. Haha. Wag mo nang ipamukha sakin. Sige na. Magpahinga ka na rin muna." Sagot niya kaya napatango na lang ako sa kanya.

"Momo, Sandali lang."

"Ano 'yun?"

"Maraming salamat sa pagpapatuloy sakin dito."

"You're welcome, My friend." Sagot niya kaya natigilan ako.

"My friend?"

"Ayaw mo ba kong maging kaibigan?"

"Gu--Gusto. Pero kasi diba ayaw mo sakin."

"Kaibigan ka ni Dahyun. Kaibigan na rin kita. Bukas, sumama ka sakin sa pagtitinda." Yakag niya.

"Ta--Talaga?"

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now