112: Safe

305 14 9
                                    

Dahyun's Pov:

Nang imulat ko ang mata ko, napalingon ako sa paligid. Nandito kami sa loob ng Van ni Mina. Magkatabi. Wala sa loob ng Van yung mga tauhan ng Dad niya.

"Mina! Wake Up." Paggising ko sa kanya nang ilang beses bago siya tuluyang magkamalay.

"Da--Dahyun, Bakit?"

"Nasaan na yung mga tauhan ng Dad mo?"

"Huh? Ah. E--Ewan ko. Nasaan ba tayo?" Tanong niya sakin sabay kusot ng mata.

"Hindi ko alam." Lumingon ako sa bintana para malaman kung nasaan kami. Nasa isang Parking Area kami ng kung saang lugar.

"Dahyun, Look!" Napalingon naman ako kay Mina na agad ring nabuksan ang pintuan ng van.

"Something's weird." Hahayaan ba nila kaming mag-isa dito nang walang bantay? Parang may mali.

"Tara nang tumakas. Kailangan nating makaalis dito." Yakag niya sabay bukas na ng pinto ng van.

"Wait, Mina."

"Ano ka ba? Let's go. Baka abutan pa nila tayo!" Dagdag niya sabay hawak sa kamay ko.

"Parang may mali. I think they're up to something. Stay here. Aalamin ko muna kung safe sa labas ng van."

"Si--Sige. Basta bumalik ka agad dito kapag walang bantay ah." Bilin niya kaya naman tumango na lang ako sa kanya.

Napagdesisyonan ko nang magmasid muna sa labas. Nanatili si Mina sa loob ng van habang naglalakad-lakad ako para malaman kung safe ba ang lugar.

Nang pabalik na ko sa van, nabigla ako nang bigla 'yung sumabog nang malakas. Natumba ako sa sahig dahil sa sobrang pagkagulat.

Isa lang ang nasa isip ko, Si Mina!

"Mina? No!" Nagpapanic akong napatayo para tumakbo papunta sa sumabog na kotse kung saan naroon si Mina.

"Hahahaha!" Nakarinig ako ng kakaibang tawa sa paligid. Nang lumingon ako sa kung sino ang tumatawa, nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"Sa--Sana?" Gulat kong tanong nang makita ko si Sana. No. Bakit nandito si Sana? Patay na siya eh. Matagal na siyang wala.

"Miss me?" Nakangiting tanong niya.

"What's happening? Ma--Matagal ka nang wala."

"I know. Matagal na kong wala. Nandito lang naman ako para sabihin sayong masaya ko na nakahanap ka na ng tunay na magmamahal sayo. Yun nga lang ---"

"Ano?!"

"Yun nga lang, maiiwanan ka rin niya. Mapupunta rin siya sa lugar kung nasaan ako. Mawawala din siya sa tabi mo." Sagot niya.

"No. Hindi totoo 'yan. Hindi ako iiwanan ni Mina."

"Pero heto na, nangyayari na. Look, wala ka na namang nagawa para iligtas ang mahal mo sa buhay." Inituro ni Sana ang sumabog na van.

"It can't be. Mi--Mina. No!" Sa mabilis na segundong 'yun, narinig ko ang paghingi ng tulong ni Mina.

"Goodbye, Dahyun." Pabulong na sabi ni Sana bago ito tuluyang maglaho.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin