118: Bike

278 12 50
                                    

Mina's Pov:

Kinabukasan, nagising akong wala na si Dad sa mansion. Nalaman ko sa mga maid na nauna na siyang umalis para may asikasuhing importante.

Alam kong aayusin na niya ang mga nagawa niyang kasalanan kaya naman nagdasal na lang akong maging maayos na ang lahat.

Kumilos na rin naman ako para bumalik sa bahay ni Dahyun. Nang dumating ako, naabutan kong natutulog siya sa sofa. Bakit hindi siya natulog sa kwarto niya? Wala pa siyang kumot kaya naman kumuha ko ng kumot para hindi siya ginawin.

Pero bigla rin siyang nagising kaya naman naupo na lang ako sa tabi niya.

"Good morning, Dahyun." Bati ko sa kanya.

"Nandito ka na pala." Napakamot-ulo siya.

"Sorry. Hindi na ko nakauwi kahapon."

"It's okay, Mina. No need to explain. Naiintindihan ko. Sandali. Magaayos muna ko ng sarili." Tumayo na siya sa kinahihigaan niya.

Bakit parang ang weird niya ngayon? May lagnat ba siya or something?

"Namiss kita." Bago pa siya makalakad, nagbackhug na ko sa kanya para maglambing.

"Wait lang, magc-cr muna ko. Maghihilamos muna ko." Sagot niya bago tuluyang pumasok sa cr.

Bigla akong nanibago sa ginawa niya. Parang dati hinahayaan naman niya na magusap o maglambingan kami kahit na hindi pa siya nakakapag-ayos ng sarili.

Naupo na lang ulit ako sa sofa para hintayin siya. Nang lumabas siya ng cr, tumayo na ko para yakapin siya.

Sa pagyakap ko sa kanya, hindi ko na naramdaman yung paghigpit rin ng yakap niya. Parang ako lang yung may gustong yumakap ngayon.

"Are you okay, Dahyun?"

"Yes."

"Parang hindi."

"Parang lang. Pero okay lang talaga ako."

"May problema ba tayo? Nagtatampo ka ba sakin kasi hindi ako umuwi kagabi?"

"No. Walang kinalaman 'yun. Ayos lang talaga sakin yung tungkol sa kahapon. It's just --- napapagod lang ako." Sagot niya sakin.

"Napapagod? Saan?" Bigla akong napaisip sa kung anong kinapapaguran niya.

"Napapagod lang."

"Saan? Sakin?" Tanong ko sa kanya.

"Of course not. Napapagod lang akong maging masaya. Siguro dahil sa mga nangyari. Siguro namimiss ko sila Chaeyoung. Mahirap parin kasi talagang kalimutan yung mga nangyari." Paliwanag niya.

Sa bagay, tama siya. Mahirap talagang kalimutan ang lahat ng 'yun. Niyakap ko na lang ulit siya para iparamdam sa kanyang hindi siya nagiisa.

Hindi naman siya umimik habang yakap ko siya. Siguro dapat lang na mas palawakin ko pa yung pag-intindi sa nararamdaman niya ngayon. Ngayon niya ko kailangan na kailangan. Kahit ako, miss ko na rin sila Nayeon eh.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα