22: Realize

428 15 2
                                    

Momo's Pov:

Matapos labhan ang puting telang kinuha ko kay Dahyun, isinampay ko na ito para matuyo kaagad.

Yun nga lang, hindi ko natanggal nang sobra yung stains. Ang hirap eh. Sinubukan ko naman ang best ko 'yun nga lang mukhang pinahihirapan talaga ako.

Parang yung paghihirap ko na mapansin ni Dahyun. Kung iniisip niyo na may lihim akong pagtingin sa kanya, tama kayo. Noon pa man, gustong-gusto ko na si Dahyun.

Kahit nung unang taon na lumipat sila dito samin. Simula nung maging kapitbahay ko sila, palagi kong nakikita si Dahyun na dumadaan sa tindahan ko ng mga repolyo.

Oo, taga-benta nga lang ako ng repolyo pero pinaghihirapan ko naman 'yun eh. Kumikita ko sa pagbebenta ng mga 'yun. May taniman kasi ang magulang ko noong nabubuhay pa sila, kaya naman pinakinabangan ko na.

Simula nang makilala ko sila Dahyun, sila na ang tumayong pamilya ko. Naalala ko noong unang beses na nakilala ko sila. Ipinagtanggol ako ni Dahyun noon sa sigang nanggugulo sa pwesto ko sa pagbebenta. Namangha talaga ako noon sa sobrang tapang niya para lang maipagtanggol ako.

Simula noon, palagi ko na siyang pinagmamasdan pero hindi niya ko gaanong pinapansin eh. Masyado siyang busy sa kung anong pinagkakaabalahan niya sa tuwing umaalis siya ng bahay nila.

Tanging sila Chaeyoung at Jeongyeon lang ang natatanong ko tungkol kay Dahyun kaya naman naging kaibigan ko na rin silang dalawa.

Nalaman kong ganun talaga si Dahyun. Mukha lang masungit at cold , pero sa totoo ay mabait daw siya't maalaga. Sa paglipas ng panahon, mas nakikilala ko si Dahyun sa tuwing bibisita ko sa bahay nila.

Nung malaman ko ang ginagawa nila para kumita ng pera, aminado akong tumutol agad ako' sinubukan silang pigilan pero wala naman akong magawa. Hindi ko naman sila pwedeng isumbong sa pulis dahil mahalaga na sila sakin lalong-lalo na si Dahyun na hindi parin ako mapansin-pansin.

Habang tumatagal, may nakikita akong ngiti sa labi niya. Hindi namin alam kung anong dahilan kung bakit palagi siyang nakangiti sa bawat araw na dadaan.

Naikwento lang sakin nila Chaeyoung na may natitipuhan daw si Dahyun. Alam niyo kung anong naramdaman ko? Nasaktan ako. Parang nagunaw yung mundo kong puno ng pag-asa. Bakit? Dahil may ibang gusto yung taong gusto ko. Hindi ako mapansin-pansin ng taong mahal ko.

Ni hindi man lang nagawang isama ni Dahyun yung nagugustuhan niya sa bahay nila kaya naman hindi ko ito nagawang makilala. Kahit sila Chaeyoung at Jeongyeon, di siya nakilala ng personal.

Pero isang araw, biglang nawala ang ngiti sa labi ni Dahyun. Naging matamlay siya. Naramdaman naming may problema siya pero ayaw niyang magsabi samin. Na-depressed siya't palaging nakakulong sa kwarto.

Ni hindi namin alam ang gagawin para maibalik yung ngiti niya. Hanggang sa sabihin na lang niyang iniwanan na siya ng taong gusto niya. Yun lang ang tanging sinabi niyang impormasyon. Hindi na namin siya kinulit para naman tuluyan na siyang maka-move on.

Para sakin, ang tanga nung taong 'yun. Ang tanga ni Sana. Pinakawalan niya 'yung taong gustong-gusto kong makuha. Pero sa kabila nun, aminado naman akong nabuhayan ulit ako ng pag-asa. Bakit? Dahil pakiramdam ko may pag-asa na talagang mapansin niya ko.

Pero tulad ng sinabi ko, ginawa ko na ang best ko para magpapansin sa kanya kaso hindi parin niya nahahalata yung nararamdaman ko para sa kanya. Hanggang kaibigan padin ngayon.

Kim Dahyun, kung narealize mo lang sana kung gaano kita kagusto. Kung mapapansin mo lang sana ko. Kung bibigyan mo lang sana ko ng pagkakataong patunayan na ako ang karapat-dapat sayo.

Pumasok na ko sa loob ng bahay nila't lumapit na kay Dahyun.

"Dahyun, nalabhan ko na."

"Talaga? Thank you, Momo." Nakangiting sabi niya sabay yakap sakin kaya naman napangiti na lang ako.

"Natanggal mo ba yung mantsya?" Tanong naman ni Jeongyeon.

"Hindi buong-buo. Mahirap eh."

"Tsk. Dapat ako na lang naglaba." Dagdag ni Jeongyeon sabay nakakunot na upo sa isang tabi habang nagbabasa ng dyaryo.

"Problema mo?"

"Nagseselos si Jeongyeon." Sabi naman ni Chaeyoung.

"Gague! Wag ako." Agad na binato ni Jeongyeon ng dyaryo si Chaeyoung.

"Relax, Jeongyeon. Sungit nito ngayon. Haha." Natatawang sabi ni Chaeyoung.

"Thanks, Momo. Ayos lang kahit di natanggal nang buo yung mantsya. You did a good job." Sabi ni Dahyun sabay pat sa ulo ko kaya napa-blush na lang ako.

Aish. Hirai Momo, kahit ba naman sa ganitong action niya kikiligin ka? Patay na patay ka talaga sa kanya? Gosh.

"Sige na. Magpapahinga na muna ko sa bahay. Magpahinga na din kayo." Sabi ko bago tuluyang bumalik sa bahay ko.

Kim Dahyun, alam ko---balang araw, mapapansin mo rin ako.

❤To Be Continued❤

A/N: Sino dito mga DahMo Shippers? Magsilabas kayo. HAHAHAHAHA.

Don't forget to leave some comments.

Guys, sali kayo sa gc na gagawin ko kung saan makakapag-usap tayo kahit free data ako? HAHAHAHAHA. I-pm niyo lang ako sa messenger. "Lherry Gulpo" name ko sa fb. Fighting.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now