61: Cup Noodles

332 9 0
                                    

Dahyun's Pov:

Nang magising ako, nakaramdam ako ng sakit sa ulo. Napadami ata ang inom ko kagabi. Teka, paano ko napunta sa higaan ko?

Lumabas na muna ko ng kwarto para maghilamos.

"Dahyun, mabuti naman at nagising ka na." Sabi ni Chaeyoung habang kumakain ng agahan.

"A--Anong nangyari kagabi?"

"Nalasing ka. Hinahanap mo si Sana. Pero si Mina 'yung dumating kasama ni Momo. Nag-usap kayo ni Mina sa loob ng kwarto. Nakatulog ka na. Si Mina ang nagdala sayo sa higaan mo." Paliwanag niya kaya naman napaisip ako.

Huh? Si Mina? Nagkausap kami ni Mina kagabi? Mas sumakit yung ulo ko nang maalala ko yung mukha ni Mina habang kinakausap niya ko.

Bigla kong naalala na kung ano-anong kadramahan yung pinagusapan namin kagabi. Di bale, wala naman akong pakialam kung ano bang pinagusapan namin kagabi.

Naghilamos na lang ako't naligo na muna. Nang matapos na kong mag-ayos ng sarili, lumabas na ko ng kwarto suot-suot ang hoody jacket ko. Inilagay ko sa bulsa ang face mask ko. Nagdala rin ako ng kutsilyo para sa gagawin ko.

"A--Ayos ka na ba, Dahyun?" Tanong naman ni Jeongyeon.

"Yes, No need to worry. Back to normal na ang lahat. Ayos na ko." Sagot ko sa kanila sabay punta na sa labas.

"Hoy! Saan ka pupunta?" Tanong ni Chaeyoung.

"Gagawin ang nakasanayan ko. Gagawin kung ano ba talaga ang buhay na meron ako."

"Ayos ka na ba talaga?"

"Hindi pa. Pero alam kong babalik din sa normal ang lahat. Babalik din 'yung Dahyun na walang pakialam sa mga taong wala sa inner circle niya. Babalik din yung Dahyun na cold at heartless. Yung emotionless na Dahyun. Mauna na muna ako." Lumabas na ko ng bahay para gawin ang nakasanayan ko.

Napadaan ako sa stall ni Momo. Nagtitinda na ulit sila ni Mina para sa araw na 'to. Hindi ako kumibo't nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Wait, Dahyun." Natigilan ako nang tawagin ako ni Mina.

"What?"

"Ayos ka na ba?" Tanong niya sabay lapit sakin.

"I'm fine. No need to worry. Just do your task and don't mind me. Mauna na ko, may gagawin pa ko." Cold kong sagot sa kanya sabay lakad na paalis.

Nang mapadaan sa isang eskinita, inisuot ko na ang mask ko't naghanda na para sa pagsisimula ulit ng misyon ko. Masama kong tao kaya naman gagawin ko kung anong ginagawa ng masamang tao.

Nang makakita ako ng mabibiktimang babae na may dalang bag, kumilos na ko. Lumapit ako sa kanya't initutok ang kutsilyo sa tagiliran niya.

"Holdap 'to." Bulong ko sa kanya.

"Pa--Parang awa niyo na po, wag niyo kong sasaktan." Naiiyak na sabi ng babae habang hindi parin makagalaw sa pwesto niya.

"Ibigay mo na lang ang kailangan ko't hindi ka na masasaktan."

"Wa--Wala po kong maibibigay. Ma--Mahirap lang po ako. Maawa na kayo. Para sa panggamot ng nanay ko ang natitirang pera sa bag ko." Sagot niya na tila nanginginig pa.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now