Special Chapter #4

338 12 7
                                    

Vacation

Mina's Pov:

Ngayon ang araw ng pagpunta namin sa probinsya para magbakasyon. Siyempre, para na rin huminging muli ng tawad sa pamilya ni Yaya Jihyo.

Pinanghinaan na talaga ako ng loob pero dahil sa suporta ni Dahyun, muli akong lumaban para subukang makipag-usap nang maayos sa pamilya ni Yaya sa probinsya.

"Kinakabahan ka ba?" Tanong sakin ni Dahyun.

"Oo naman."

"Huwag kang kabahan. Nandito ako sa tabi mo. Kaya natin 'to. Akong bahala sayo." Sagot niya sabay tapik sa balikat ko kaya napangiti na lang ako.

Ano na lang ang gagawin ko kung wala si Dahyun sa tabi ko? Maswerte ako dahil meron akong katulad niya sa buhay ko.

"Parating na yung dalawa. Konting hintay na lang." Sambit ni Dahyun habang naghihintay kami dito sa loob ng kotse ko.

"Mag-enjoy tayo sa bakasyon natin." Sabi ko na lang sa kanya.

"Pwede namang simulan na nating mag-enjoy dito sa kotse." Nakangising suggestion niya.

"Tigil-tigilan mo ko, Kim Dahyun. May lakad tayo!" Inirapan ko na lang siya. Dadali na naman kasi ang loko. Hindi pa nga ko maka-move on sa ginawa niyang kabaliwan sakin sa kusina.

"Wala pa naman sila Somi." Dagdag niya kaya naman napaglare ako sa kanya.

"Baliw! Baka mamaya niyan dumating na yung dalawang 'yun eh."

"Hindi pa 'yan. Trust me, Mina." Sambit niya sabay hawak sa kamay ko. Napatingin na lang ako sa kanya. Unti-unti nang lumalapit ang mukha niya sa mukha ko.

Pero bago tuluyang magdikit ang labi naming dalawa, biglang may kumatok sa salamin ng kotse kaya napaagwat kami kaagad. Shet.

"Bwisit na 'yan!" Sabi ni Dahyun na halatang nabadtrip sa biglaang pagsulpot nila Somi at Irene na kumakaway-kaway sa bintana ng kotse.

Medyo natatawa ako dahil sa reaction ng Dahyun ko. Pero aminado kong medyo naasar din ako, wrong timing eh.

Binuksan na ni Dahyun ang pinto ng kotse kaya naman sumakay na sila Irene at Somi. Mukhang excited sila.

"We're here!" Masayang sabi ni Somi. Nakapwesto na sila sa backseat habang nasa harapan naman kami ni Dahyun. Siyempre, ako yung driver ng kotse. Nasa tabi ko naman si Dahyun.

"Dapat tinagalan niyo pa eh." Nakakunot-noong sabi ni Dahyun.

"Bakit? Nakakahiya naman magpahintay sa inyo eh." Sabi naman ni Irene.

"Nevermind."

"Okay lang 'yan, Dahyun. Itulog mo na lang sa biyahe. Haha." Sabi ko sabay tawa.

"Ang alin?" Extra ni Somi samin. Mukhang hindi kami nakita nila Somi at Irene kanina. Bwahaha. Buti na lang. Wew!

"Wala 'yun. Magready na kayo, Guys. Aalis na tayo. Enjoy sa biyahe, Enjoy sa bakasyon." Sambit ko bago simulang paandarin ang kotse.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now