25: Perfect

408 16 3
                                    

Mina's Pov:

Ayokong iwanan si Yaya Jihyo sa mansion na 'yun. Ayoko siyang pag-alalahanin sakin. Ayokong iwanan si Dad. Kahit naman ganun siya, alam kong siya padin ang tatay ko. Siya padin ang dahilan kung bakit nandito ko sa mundo.

Pero anong magagawa ko? Ito lang ang alam kong paraan para maipakita ko sa kanya na kaya kong makipagsapalaran sa mundong 'to. Gagawin ko 'to para sa sarili ko.

Mas mabuti nang hinayaan nila kong makapag-isa. Kailangan kong makapagisip-isip.

Nagsimula ang paglalakad ko sa kalsada nang mag-isa.

Tahimik. Payapa. Madilim. Malamig.

Mag-isa lang akong naglalakad sa kalsada bitbit ang maleta ko. Saan ako pupunta? Anong gagawin ko? Saan ako titira? Ano bang plano ko?

Isa lang ang alam ko, gusto kong maging malaya. Gusto kong maging masaya. Gusto kong maliwanag.

Hindi ko alam kung saan ang aking pupuntahan. Basta alam ko, gusto kong harapin ang buhay na 'to nang buong tapang. Gusto kong tumayo sa sariling paa. Gusto kong patunayan na may kaya rin naman akong gawin.

I'm lost but I don't want to be found.

Napahinga na lang ako nang malalim. Nagpatuloy ako sa paglakad hila-hila ang maleta ko.

Nang makaramdam ng gutom, nagpunta na muna ko sa isang 24-hours open store.

Naupo na ko sa isang pwesto sa sulok. Uminom na muna ko ng kape at kumain ng cup noodles. Mabuti na lang at may pera kong nadala kahit paano. Pero alam kong hindi ito tatagal, kaya kailangan mag-isip ako ng paraan kung paano magkakaroon ng pera.

Matapos kumain, nagdesisyon akong manatili muna sa kinauupuan para magpatunaw ng kinain. Kinuha ko na lang ang mp3 player at headphones sa maleta ko't nagsimula nang magplay ng song.

"Hey Dad, Look at me
Think back and talk to me
Did I grow up according to the plan?
Do you think I'm wasting my time doing things I wanna do?
But it hurts when you disapprove all along?"

Nang marinig ko ang simula ng kanta. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso. Bakit? Nagiging emosyonal ako.

Pakiramdam ko, ako mismo yung kumakanta sa pinakikinggan ko.

Tinanggal ko na muna sa tenga ko ang headphones. Napayuko na lang ako't napaisip.

Bakit? Bakit nangyayari sakin 'to? Bakit hindi ko man lang maramdaman yung pagmamahal ni Dad sakin? Manhid ba ko? Ako ba ang problema? Masyado na ba kong nagiging makasarili dahil gusto kong makaramdam ng kalayaan? Sakin ba may problema?

Hindi ko alam. Hindi ko pa alam.

Mina, kaya ka nga umalis diba. Para malaman kung ano ba talagang makakapagpasaya sayo. Para malaman kung sino ka talaga. Para malaman kung ano ba talaga ang makakapagpalaya sayo.

Minabuti kong isuot na muli ang headphones. Chorus na ang inabutan kong part. Saktong-sakto sa puso ko 'yung bawat lyrics na naririnig ko.

"Cause we lost it all
Nothing last forever
I'm sorry, I can't be perfect
Now it's just too late
And we can't go back
I'm sorry
I can't be perfect" 🎧🎶

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now