Special Chapter #2

552 22 35
                                    

Beg For It

Mina's Pov:

Katatapos ko lang ayusin ang mga gamit ko sa maleta. Hindi ko mapigilang maexcite dahil mas magkakaroon kami ng panahon ni Dahyun na magkasama ngayon.

"Mina, Wala ka bang nakakalimutan sa gamit mo?" Pumasok si Tita sa kwarto ko.

"Wala na po. Salamat sa pagpayag na magbakasyon muna ko, Tita."

"Alam kong kailangan mo 'yun, Mina. Walang problema. Ako na ang bahala sa kompanya habang wala ka. Ang mahalaga, mag-enjoy ka."

"Thank you talaga, Tita." Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Hindi ka ba susunduin ni Dahyun dito?"

"Hindi niya po alam na magbabakasyon ako kasama siya. Gusto ko po sanang i-surprise siya."

"Ganun ba? Oh sige. Ikaw ang bahala. Basta mag-iingat ka ah. Itext o tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka." Sagot ni Tita kaya naman kumilos na ko.

Tinulungan ako ni Tita na bitbitin yung gamit ko sa kotse. Niyakap ko siyang muli bago tuluyang sumakay sa kotse para surpresahin si Dahyun.

Habang nagmamaneho, hindi ko mapigilang maexcite. Ilang araw rin kasi akong hindi makasagot sa tawag o makareply sa text niya. Sobrang busy ko kasi sa company eh. I'm sure nagtatampo 'yun. Ang cute pa naman niyang magtampo. Kaya heto, babawi ako sa kanya. Isu-surprise ko siya.

Nang dumating ako sa bahay niya sakay ng kotse, namataan ko si Irene na nagtapon ng basura sa basurahan sa labas. What the hell? Nandito na naman ang babaeng 'yun?

Bakit hindi sinabi sakin ni Dahyun na nandito si Irene? Tsk. Kung alam ko lang, eh di sana mas inagahan ko pa ang pagpunta dito. Kaasar.

Ang daming pwedeng tambayan sa bahay pa ni Dahyun. Sasabunutan ko na 'yun eh. Kadami-dami diyang iba eh. Kay Dahyun pa napiling dumikit nang dumikit.

Nanatili muna akong nakatayo sa labas ng bahay. Kinuha ko ang phone ko't tinawagan si Dahyun. Agad naman siyang sumagot sa tawag ko.

On The Phone:

"Hello, Mina. Mabuti naman napatawag ka na. Sobrang busy mo siguro sa trabaho. Pero ayos lang, naiintindihan ko naman. Walang dapat ipag-alala." Sabi niya.

"Sobrang busy mo din siguro noh." Sagot ko sa kanya.

"Oo nga eh. Kayod dito, Kayod doon." Nanlaki ang mata ko sa sagot niya. Kayod? What the fvck?

"Anong kinakayod mo?!" Tumaas yung boses ko.

"Huh? Nasigaw ka ba?"

"Anong kinakayod mo?!" Ulit ko sa kanya.

"Ang pangit pakinggan, Mina."

"Sabi mo kayod dito, kayod doon!"

"Kaya nga. I mean, may part time jobs ako. Diba? Naikwento ko na sayo na nagtatrabaho ko paminsan-minsan. Kahapon, nagtrabaho ko sa restaurant ng kaklase ko noong highschool." Paliwanag niya kaya naman naging kampante na ko.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon