109: Too Late

306 12 13
                                    

Tzuyu's Pov:

Ginawa ko na kung anong dapat. Inamin ko na kay Mina ang buong katotohanan. Kailangan na rin naman niyang malaman. Pagod na rin akong magpanggap. Gusto ko nang magpakatotoo.

Ganito pala yung pakiramdam na nailabas mo yung nararamdaman mo. Gumaan yung pakiramdam ko nang makipagbati na ko kay Mina.

Alam kong masama yung nagawa ko sa kanya. Kaya heto babawi ako sa kahit na anong paraan na alam ko.

Ako ang may kasalanan kung bakit nagkalayo sila ni Dahyun. Dapat lang na ako rin ang gumawa ng paraan kung paano ulit sila mapagsasama.

Hindi ko inaasahang kaya ring pumatay ng Dad ni Mina. Nakakabigla na wala na pala sina Nayeon at Chaeyoung. Hindi ko sila nagawang maka-close pero alam ko namang mabubuti silang tao.

Nakakapagsisi na kailangang humantong sa ganito ang lahat. Nakakalungkot isipin na marami na ang nagbuwis ng buhay nila. Kailan kaya matatapos 'to?

Naalala ko yung sinabi ni Mina bago kami maghiwalay kanina. Gusto niyang protektahan ko si Dahyun habang hindi pa sila magkasama. Naisip ko tuloy kung paano ko gagawin 'yun.

Ako ang nagdala kay Dahyun sa bahay. Responsibilidad kong protektahan siya mula kay Dad. Alam kong hindi siya basta-basta hahayaan ni Dad na makalayo nang nalalaman ang sikreto nito sa pagkidnap kay Mina. Kailangan kong gumawa ng paraan para mailayo siya sa kapahamakan.

Nang bumalik ako sa bahay, naabutan ko si Dahyun na payapa lang na natutulog sa living room. Naupo na muna ko sa tabi niya para pagmasdan siyang matulog.

"Kim Dahyun, Everything will be okay." Nasabi ko na lang habang nakatingin sa kanya.

Inaamin kong sa maikling panahon na nakasama ko siya. Nakilala ko na rin kung anong klaseng tao siya. Inaamin ko ring sa maikling panahon na 'yun, naisip kong siya yung klase ng taong gusto kong makasama.

Oo. Nahulog na nga yata ako para sa mokong na 'to. Kaso, huli na ang lahat eh. Kung nakilala ko lang sana siya nang mas maaga. Kung hindi lang sana siya pagmamay-ari ni Mina. Pero wala eh. Mukhang hindi siya para sakin. Baka nakilala ko siya para iparealize sakin kung ano ba talaga ang mas mahalaga sa buhay.

Nagpapasalamat ako sa mga sinabi ni Dahyun sakin. Hindi ko na pipilitin yung sarili ko sa mga bagay na hindi naman para sakin. Tama siya. Hindi ko na kontrol kung anong magiging desisyon ng magulang ko sa relasyon nila. Tama siyang kahit na maghiwalay sila, walang magbabago. Pamilya parin kami.

Maya-maya pa, biglang naalipungatan si Dahyun.

"Oh. Nandito ka na pala. Saan ka nagpunta?" Tanong niya sakin sabay kusot sa mata niya.

"May inasikasong importante lang."

"Ah. Okay."

"Ahm. Dahyun, may gusto sana kong sabihin."

"Ano 'yun?"

"Sorry sa lahat ng nagawa ko sayo."

"Huh? Bakit nagsosorry ka?"

"Alam kong marami akong kasalanan sayo. Naging hadlang ako sa happy ending niyo ni Mina. I'm so sorry."

"Naiintindihan kita. Alam kong hindi mo sinasadyang maging ganun. Alam kong kailangan mo lang talaga ng pag-unawa at suporta. It's okay, Tzuyu. We're friends." Ngumiti siya sakin.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now