86: Stay Away From Dahyun

370 13 11
                                    

Mina's Pov:

Wala akong idea kung anong pag-uusapan namin ni Dad. Pero kinakabahan ako. Hindi dahil natatakot akong magsunod-sunuran ulit sa kanya, kundi dahil ayokong maisipan niyang gumawa ng bagay na hindi ko magugustuhan.

Alam kong tama ang sinabi ng tauhan niyang sumundo sakin. Alam kong maraming kayang gawin ang Dad ko gamit ang pera niya. Alam na alam ko 'yun kaya mas pinili ko nang sumama para harapin siya.

Nang dumating ako sa mansion, pumasok na ko sa loob. Nakita kong naghihintay ang Dad ko sa living room. Nilapitan siya ng tauhang sumundo sakin saka bumulong sa kanya. Nakita ko naman ang ngisi sa labi ng Dad ko.

"My daughter, ang tagal nating hindi nagkita." Bati niya na para bang walang masamang nangyari sa nakaraan.

"Anong paguusapan natin?" Naupo na ko para masimulan na ang paguusapan namin.

"Binisita ko 'yung mga kumidnap sayo noon sa kulungan. Nakausap ko yung leader ng grupo nila. May isa pa palang hindi nahuhuli." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"What do you mean?"

"Kim Dahyun. Yun ang sabi niyang pangalan ng taong hindi naisama sa mga nanagot sa pagkakakidnap sayo." Dagdag niya.

"Nagkakamali ka, Dad. Inosente si Dahyun. Wala siyang kasalanan. Nadamay lang siya. Siya 'yung nagligtas sakin."

"Nagkakamali ka rin, Mina. Kami ang nagligtas sayo. Mabuti na lang dumating ang mga pulis na ipinadala ko para hulihin ang mga kumidnap sayo. Panahon na rin siguro para managot yung isang nakatakas."

"Subukan mong galawin si Dahyun, Dad. Ako ang makakaharap mo." Matapang na sabi ko sa kanya. Heto na naman ang Dad ko. Nararamdaman ko na naman 'yung masasamang plano niya.

"Bakit? Ano bang relasyon mo sa taong 'yun? Sagutin mo. Nasabi na sakin ng tauhan kong kasama mo siya kung saan ka tumutuloy ngayon. Alam ko na ring siya 'yung nagpanggap na bodyguard ng kaibigan mong si Nayeon noong bisitahin ka nila."

"Wag mo silang idamay dito! Saka, hindi naman ikaw 'yung nagligtas sakin kundi si Dahyun. Hindi ko hahayaang saktan mo siya." Paliwanag ko.

"Alam mo namang kilala ko ang pamilya ng kaibigan mong si Nayeon. Madali lang sakin na gumawa ng paraan kung paano sila makokontrol." Warning niya kaya napatikhom ako ng kamao.

"Wag mong idamay ang kahit na sino, Dad. Hindi ka parin pala nagbabago. Ang sama mo parin. Ano bang gusto mong mangyari?!" Naluluhang tanong ko.

"Stay away from Dahyun. Bumalik ka na dito sa mansion. Asikasuhin mo na lang 'yung business natin!" Sagot niya sakin nang paseryoso.

"Hindi ako mananatili sa bahay na 'to. Sawang-sawa na kong maging robot mo. Sayong-sayo na yung business na sinasabi mo, Dad. Isa pa, hindi ko lalayuan si Dahyun. Alam mo kung bakit? Mahal ko siya!"

"Mahal? Magmamahal ka na lang sa kidnapper pa? What the hell, Mina?! Wake Up! Nahihibang ka na ba? Walang maidudulot na tama ang taong 'yun sayo." Pagtutol ni Dad.

"Talaga ba? Siguro dapat tinanong ko si Mom kung bakit magmamahal na lang siya, sa taong walang puso pa. Ay! Hindi ko na nga po pala magagawang itanong sa kanya 'yun dahil pinatay mo siya!" Napupuno na naman ng galit ang puso ko sa tuwing naaalala kong ang Dad ko ang pumatay sa Mom ko.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now