43: Goodbye

349 11 7
                                    

Mina's Pov:

Kinabukasan, napagdesisyonan ko munang dumaan sa bahay nila Dahyun bago umalis.

"Momo, Maraming salamat sa pagpapatuloy sakin dito. Balang araw, makakabawi din ako."

"Kahit wag ka nang bumawi. Ayos lang. Basta huwag mong ilalagay sa peligro ang buhay nila Dahyun." Sagot niya.

"Wag kang mag-alala. Hindi na mauulit 'yun."

"Mabuti naman."

"Sige na. Dadaan muna ko sa bahay nila Dahyun." Tumango na lang siya sakin kaya hinila ko na ang maleta ko.

Nang makita ko si Chaeyoung at Jeongyeon sa labas ng bahay nila, nilapitan ko na sila.

"Si Dahyun?"

"Natutulog pa sa kwarto niya. Ayos na naman ang kondisyon niya. Nagising siya kaninang madaling araw kaya sinabi na naming aalis ka na." Sagot ni Jeongyeon.

"Ah. Sige. Mauna na ko. Pakibigay na lang nitong mp3 player at headphones niya. Pakisabi na lang sa kanya na umalis na ko."

"No. Puntahan mo na siya sa kwarto. Lakad na. Bisitahin mo siya 'dun." Hinila na ko ni Chaeyoung papunta sa kwarto ni Dahyun.

Naabutan kong mahimbing padin ang tulog ni Dahyun. Lumabas na muna ng kwarto si Chaeyoung para hayaan kami.

Inilapag ko na sa table ang headphones at mp3 player. Naupo na muna ko sa gilid ng kama niya habang tulog pa siya.

Pinagmasdan ko lang siyang matulog. Dahyun, Ano ba talagang ugali mo? Alin ka ba sa dalawang Dahyun na nakita't narinig ko? Ikaw ba talaga yung palaging nandiyan para sakin o yung Dahyun na nagsabing ni hindi niya ko kaibigan? Naguguluhan na kasi ako sa kung ano ba talaga ang katotohanan.

Hanggang ngayon, hindi parin ako maka-move on na dare lang pala ang pag-approach niya sakin noon.

Alam kong wala akong karapatang magalit pero hindi ko maiwasan eh. Pakiramdam ko, pinaglaruan ako. Parang napaglaruan ang feelings ko.

"Dahyun, Huwag kang mag-alala. Hinding-hindi na ulit ako eextra sa buhay mo. Thankful padin ako sa lahat ng ginawa mo para sakin. Di na mapapahamak ang buhay mo ngayon kasi aalis na ang stranger na pabigat sa inyo." Nasabi ko na lang habang pinagmamasdan siya.

Bigla ko na namang naalala yung snob kong bantay nang pagmasdan ko ang mukha ni Dahyun.

"Naaalala ko talaga siya sayo." Napakamot-ulo na lang ako't tumayo na. This time, aminado kong kailangan ko ang tulong ni Nayeon.

"Nayeon, Pwede mo ba kong tulungan? I need your help. Thanks." Text ko kay Nayeon.

"Of course! Nasaan ka ba ngayon? Pupuntahan kita. Mabuti naman at nagtext ka. Akala ko itatambak mo lang sa contacts mo ang phone number ko eh." Reply niya.

"Salamat, Nayeon. Long story. Wala ako sa mansion ngayon. I'll tell you later." Reply ko.

Itetext ko na sana ang address nang maisip kong di ko nga pala alam.

"Hala. Anong lugar nga ba 'to?" Nasabi ko na lang habang nag-iisip.

"Aalis ka na ba talaga?" Nagulat ako kay Dahyun na biglang nagising.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now