68: Kiss Me Slowly

527 12 11
                                    

Mina's Pov:

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin 'tong nararamdaman ko sa tuwing kasama ko si Dahyun. Halos magpanic na ko sa tuwing hahawakan niya ko sa kamay.

Sa tuwing ngingiti siya sakin, pakiramdam ko masaya talagang maging masaya. Nakakahawa yung saya na ipinapakita niya sakin.

Sinubukan ko munang lumayo sa kanya kaso mapilit siya na tutulungan daw niya kong maglinis dahil bored siya sa bahay nila. What should I do?

Saka hindi ko rin alam kung anong sasabihin sa tuwing nagkakaroon kami ng seryosong usapan. May feeling ako na parang may ibang meaning yung sinasabi niya pero baka guni-guni ko lang 'yun.

Mabuti na lang hindi niya nahalatang siya 'yung tinutukoy ko sa tula. Pero hindi ko naman inaasahan na sasabihin niyang siya na lang yung magsisilbing taong 'yun sa totoong buhay since fictional character lang daw yung nasa panaginip ko. Kim Dahyun, kung alam mo lang.

Nagsimula na kaming maglinis sa bahay ni Momo. Kumuha na ko ng walis habang naglilinis naman ng CR si Dahyun.

Aminado kong hindi naman ako gaano marunong sa mga gawaing bahay since may mga maid kami sa mansion pero marunong naman ako magwalis. Masyado kasing istrikto si Dad na gawain ng maid namin ang mga gawain sa mansion. Hindi niya ko hinahayaang tumulong sa maid. Wala na kong nagawa.

"Mina, Ako na diyan." Lumabas si Dahyun mula sa CR. Mukhang natapos na siya maglinis dun.

"Kaya ko na 'to."

"Ako na."

"Hindi. Ako na. Kaya ko na talaga 'to."

"Mapapagod ka niyan. Di ka naman sanay sa gawaing bahay eh." Dagdag niya.

"Kahit na ganun, marunong naman ako magwalis."

"Si--Sige. Basta sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong. Tama, kalayaan mong gawin kung anong gusto mo. Go ahead." Nakangiting sagot niya.

"Kalayaan?"

"Yes. Feel free to do what makes you happy." Bigla akong nakaramdam ng saya sa sinabi niya. Si Dahyun, ang taong nakakaintindi na kailangan at gusto ko ng kalayaan.

"I'm happy." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Huh? About what?"

"I'm just too happy." Hindi ko na napigilang lumapit sa kanya para yakapin siya. Dahyun really makes me happy. Meron pa pala talagang katulaf niya na nagbibigay halaga sa freedom at happiness ng iba.

"Oh, I see. Well, I'm also happy for you." Masayang sagot niya sabay pat sa ulo ko.

Bumitaw na ko sa kanya't nagpatuloy na sa paglilinis. Habang abala siya sa pagma-mop ng sahig, nag-aayos naman ako ng salansan ng mga kagamitan sa bahay. Hindi ko maiwasang pagmasdan siya. I don't know why.

Bigla siyang napalingon sakin kaya naman napaiwas ako ng tingin.

"Why are you staring at me?" Tanong niya kaya napalingon ako sa kanya.

"Huh? Hindi kaya."

"Nakatitig ka sakin kanina eh. Nai-inlove ka na sakin noh." Bigla akong namula sa sinabi niya. Nai-inlove na ba talaga ko sa kanya?

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang