108: Forgiveness

291 14 15
                                    

Mina's Pov:

Isang linggo na rin naming hindi kasama sina Nayeon at Chaeyoung. Nasa malayong lugar na kasi sila.

Nakakabigla. Parang kahapon lang tumatawa pa kami nang sama-sama, ngayon nasa payapang lugar na sila.

Sa mabilis na pangyayaring naganap, nawalan kami ng dalawang kaibigan. Nawalan na naman ako ng mahal sa buhay. Hindi lang isa, kundi dalawa.

Hindi madaling maging okay pero kahit paano sinusubukan ko naman. Sobrang hirap para samin na tanggaping hindi na namin makakasama sina Chaeyoung at Nayeon.

Hindi okay si Jeongyeon. Araw-araw siyang umiiyak. Naiintindihan ko siya. Talagang mahirap pakawalan ang taong mahalaga sayo. Mahirap na tanggaping hindi mo na siya makakasama. Mahirap tanggaping wala na siya.

Kung masakit na para sakin yung pagkawala ni Nayeon, ano pa kaya yung nararamdaman ni Jeongyeon ngayon? Simula pagkabata magkakasama na sila nila Dahyun.

Speaking of Dahyun, hindi ko parin alam kung nasaan na siya. Babalikan pa kaya niya ko? Alam kong magugulat siya sa oras na malaman niyang wala na sila Nayeon.

Nakakalungkot rin na nadamay pati ang pamilya ni Nayeon. Inimbestigahan na ng mga pulis kung sino yung may kasalanan sa pagkawala nila.

Pero ako? Sigurado ako sa nakita ko. Familiar sakin yung van na gamit ng pumatay kila Nayeon. Familiar din yumg boses ng taong 'yun.

Kilala ko kung sino ang may gawa nun. Walang iba kundi ang Dad ko.

Ni hindi ako makareact nang maayos nang araw na mamatay sila Nayeon. Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Ang puntahan ba si Dad o ang sundan ang ambulansyang nagdala kila Nayeon sa hospital. Hindi ko alam.

Pero sa huli, mas pinili kong sumunod na sa hospital kung saan nakita kong iyak lang nang iyak si Jeongyeon na pinatatahan naman ni Momo.

Sa puntong 'yun, nalaman ko na hindi na sila umabot. Wala na sila. Wala na yung mga kaibigan ko.

Tahimik lang kami nila Jeongyeon at Momo dito sa bahay. Nagdesisyon muna kami ni Momo na huminto muna sa pagtitinda para damayan si Jeongyeon.

"Everything will be okay." Sabi ko sa kanila.

"Okay? I don't think so." Malamyang sagot ni Jeongyeon.

"Ni hindi parin alam ni Dahyun ang nangyari." Malungkot na sabi naman ni Momo.

"Mukhang wala na nga siyang pakialam satin eh. Wala na!" Napalingon ako kay Jeongyeon. Mukhang unti-unti na nga siyang nawawalan ng pag-asa.

"Hi--Hindi pa naman natin alam kung nasaan siya ngayon. Ma--Malay natin bumalik na siya." Nasabi ko na lang.

"Bakit? Nasaan ba siya ngayon? Bakit wala pa siya? May magagawa ba ang pagbabalik niya para ibalik ang buhay nila Chaeyoung?!" Tumayo na si Jeongyeon at padabog na lumayo samin.

Naiintindihan ko naman si Jeongyeon. Alam kong mahirap tanggapin na wala na sila Chaeyoung. Hindi ko naman siya masisisi.

Nasaan ka na ba, Dahyun? Kailangan kong magpakatatag para sa aming lahat.

"Mina, Pagpasensyahan mo na si Jeongyeon." Sabi ni Momo.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن