85: She's Mine

392 12 0
                                    

Dahyun's Pov:

Masaya akong kahit na nagkakamisunderstanding kami ni Mina, naayos naman namin sa huli.

Nakatambay lang ako ngayon sa kwarto dahil abala sa pagtitinda sa stall si Mina kasama si Momo.

Si Chaeyoung naman kasama si Nayeon. Nagde-date na talaga ang dalawa. I'm happy for them.

Si Jeongyeon? Nagluluto sa kusina ng tanghalian. Dadalhan niya daw sila Momo ng makakain. Ang sweet naman.

Naiisip ko talaga kung wala ba talagang namamagitan sa kanila ni Momo. Kasi obvious naman na close na close na sila. Nahihiya lang ba silang umamin or what?

Dahil sa pagka-bored, naisipan kong lapitan si Jeongyeon habang abala siya sa pagluluto.

"Hey Jeongyeon! Can I ask you something?"

"Ano 'yun?"

"Friends lang ba talaga kayo ni Momo?"

"Bakit mo natanong?"

"Kasi nakakapagtaka lang talaga. Bagay kaya kayo. Hindi ka ba nagagandahan sa kanya?"

"Of course, nagagandahan ako sa kanya. Ikaw? Nagagandahan ka ba sa kanya?" Sagot ni Jeongyeon. Bakit ibinabalik niya sakin ang tanong ko?

"Oo naman. Maganda naman talaga si Momo. Pero, alam naman nating lahat kung sino ang pinakamaganda para sakin. Walang iba kundi si Mina."

"Sige. Aamin ko na. Gusto ko talaga si Momo. Sino ba namang hindi magkakagusto sa tulad niya na mabait, masipag, maalaga at maganda pa? Matagal ko na siyang gusto. Pero----" Natigilan siya.

"Pero Ano?"

"May gusto siyang iba eh." Tumingin siya sakin.

"Huh? Sino naman?"

"Basta. Alam naman niyang gusto ko siya pero sinabi niyang hanggang friends lang kami dahil may iba siyang gusto." Dagdag niya.

"Talaga? Hindi nasasabi ni Momo na may iba pa pala siyang ka-close bukod satin. Siguro may bumibisita sa kanya sa stall niya. Hala! Baka may pumorma ding iba kay Mina habang nasa stall siya ni Momo."

"Baliw! Di 'yan! Sa totoo, alam naman niyang wala siyang pag-asa sa taong gusto niya pero ayaw padin niyang tumigil sa pagmamahal sa taong 'yun eh. Kahit hindi siya nito napapansin, desidido padin siya. Kaya ipinangako ko na lang na poprotektahan ko siya habang sinusubukan niyang protektahan ang taong gusto niya." Paliwanag ni Jeongyeon.

Nakikita ko sa mata ng kaibigan ko ang sobrang kalungkutan. Aish. Sino ba kasi 'yung taong nagugustuhan ni Momo? Ang tanga naman niya para hindi mapansin ang kahalagahan ni Momo. Sigurado kong mas deserving si Jeongyeon para sa pagmamahal ni Momo eh. Sana marealize ni Momo na kaya niya ring mahalin si Jeongyeon.

Kaya pala walang pinopormahan, nililigawan o inide-date si Jeongyeon noon, si Momo pala talaga 'yung gusto niya.

"Ayos lang 'yan. Nandito ko para damayan ka." Tinapik ko siya sa balikat kaya naman napangiti na lang siya sakin.

"Masaya ako para sa inyo ni Mina." Sagot niya nang may ngiti sa labi.

"Thank you, Jeongyeon. Sa totoo, dahil naman sa inyo ni Chaeyoung kaya nagkrus ang landas naming dalawa."

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now