41: Protecting You

369 9 0
                                    

Mina's Pov:

Masaya akong nakabisita ulit ako sa puntod ni Mom. Masaya rin akong sinamahan at dinamayan ako ni Dahyun. Ang dami na niyang ginagawa para sakin.

Yun ang unang beses na may ibang tao na nakakita saking umiiyak. Hindi ko na kasi talaga napigilan ang emosyon ko. Aminado kong namimiss ko na rin si Dad. Dad ko parin siya kahit na anong mangyari. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Iniisip ba niya kung anong kalagayan ko?

Miss na miss ko na rin si Yaya Jihyo. Sa tabi ni Yaya Jihyo, pakiramdam ko walang pwedeng manakit sakin. Pakiramdam ko kasama ko si Mom sa tuwing katabi ko si Yaya Jihyo. Siyempre, miss na miss ko na rin naman si Mom. Sobra.

Kinagabihan, napagdesisyonan namin ni Momo na magdala ng ulam kila Dahyun. Sobra kasi para saming dalawa ang nilutong kimchi ni Momo.

"Mauna ka nang pumunta sa bahay nila. Kukuha lang ako ng kanin." Sambit ni Momo.

"Sige. Mauna na ko." Dinala ko na ang platong may lamang kimchi. Kakatok na sana ako sa pintuan nila Dahyun nang marinig ko silang binabanggit ang pangalan ko.

Pinaguusapan nila ako? Alam kong masama ang makinig sa usapan ng iba pero hindi ko napigilang macurious sa topic nila.

Pinakinggan ko ang paguusap nila hanggang sa may di kanais-nais akong narinig.

Dare? Isang dare lang yung pag-approach ni Dahyun sakin sa Bar? Hindi niya talaga kusang-loob na ibinigay sakin ang headphones at mp3 player niya? Hindi niya gagawin yun kung di siya inutusan nung dalawa?

Me? Just a stranger? I'm nothing? Ni wala ako sa inner circle niya?

Bakit ganito? Nakaramdam ako nang sobrang kalungkutan sa narinig ko. Bakit ganun? Ibang-iba yung Dahyun na kausap ko sa naririnig ko ngayon. So it means, hindi totoo lahat ng ipinakita niya sakin?

Parang sinaksak ako nang maraming beses. I can't believe it. Mina, Sino nga ba namang papansin sayo? Sinong tatanggap sayo? Wala. Masyado kong nag-expect at umasang may pumansin na talaga sakin.

Ito na ba yung sinasabi ni Yaya Jihyo na huwag ako basta-basta magtitiwala o maniniwala sa mga taong hindi ko pa gaanong kilala? Ansakit. Nasasaktan akong isipin na masyado lang pala akong nag-ilusyon na kaibigan ko na si Dahyun.

"Mina." Rinig kong pagtawag ni Momo.

Aksidente kong nabitawan ang hawak kong plato dahilan para bumagsak ito't mabasag.

Nagsimula nang mamuo ang luha sa aking mata. Bakit ganito kasakit? Kasalanan ko naman eh. Hindi dapat ako nagexpect masyado. Dapat masanay na kong walang interesadong maging kaibigan ako.

"Mina?" Biglang lumabas si Dahyun sa bahay nila. Halata sa mukha niya na nagulat din siyang malaman na narinig ko ang mga sinabi niya.

Kailangan ko nang umalis sa lugar na 'to. Lumakad na ko pabalik sa bahay ni Momo para kunin ang mga gamit ko. Pero sumulpot si Dahyun para pigilan akong umalis.

Buo na ang desisyon ko. Kailangan ko nang umalis. Ibinalik ko na sa kanya ang headphones at mp3 player niya. Lumabas na ko't lumakad na pero sinundan niya ko't sinubukang pigilan ulit.

Sa huli, Umalis na rin ako nang tuluyan. Nagpapasalamat ako sa mga tulong at kabutihan nila sakin. Ayoko nang maging pabigat pa lalo sa kanila. Wala naman kasi talagang tatanggap sa tulad kong mahina at walang maipagmalaki.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now