82: Dating

302 13 10
                                    

Dahyun's Pov:

"We're dating." Natigilan kaming lahat nang ianunsyo ni Nayeon at Chaeyoung na nagde-date na sila for real. Oh my god! Chaeyoung did it. Nagtagumpay siya.

"Ka--Kaya ba pinatawag niyo kami lahat? Para i-announce na nagdedate na kayo?" Tanong ni Jeongyeon.

"Yes! Sabi sa inyo eh. Ano kayo ngayon?" Proud na sabi ni Chaeyoung habang kahawak-kamay si Nayeon.

"Tama si Chaeyoung. Gusto ko talaga siya. Pero dahil natatakot akong mapasama sa mga napaiyak niya sa nakaraan, pinigilan ko yung feelings ko." Sabi ni Nayeon.

So that's the reason kung bakit parang ang weird ng pakikitungo niya minsan kay Chaeyoung. Takot siya na masaktan sa huli.

"Siguraduhin mong hindi mo sasaktan ang kaibigan ko!" Warning ni Mina kay Chaeyoung.

"Nangangako ako na hinding-hindi ko paiiyakin si Nayeon." Confident na sagot ni Chaeyoung.

"Mabuti naman. Kung hindi, lagot ka sakin." Dagdag ni Mina.

"Then, ipangako mong hindi mo iiwanan si Dahyun." Sabi ni Chaeyoung kay Mina kaya natigilan ako.

"Huh?"

"Obvious naman na may namamagitan talaga sa inyo. Nakasuot ng couple bracelet. Palagi na lang magkasama. Palaging magkatext. Palaging may skinship. Palaging nakangiti kapag kasama ang isa't-isa. Wala kayong maloloko dito." Dagdag ni Chaeyoung kaya nagkatinginan kami ni Mina.

"Aminin niyo na din kasi." Sabi ni Nayeon samin.

"Ano? Kayo na, diba?" Sabi naman ni Jeongyeon.

Maybe, panahon na para sabihin sa kanila. Panahon na para aminin ang katotohanan. Kahit naman 'di namin aminin, alam padin nila ang katotohanan.

"Yes. Nagde-date na din kami ni Mina. Pero hindi namin minamadali ang lahat. Liligawan ko siya araw-araw. Hanggang sa maging ready na siyang sagutin ako." Pag-amin ko sabay hawak sa kamay ni Mina.

"Ta--Tama. Gusto naming mas makilala pa ang isa't-isa." Sabi ni Mina.

"Nakita ko nga sila nung isang araw sa store. Bibili sana ako ng almusal kaso naabutan ko sila. Ang sweet nila! Haha." Sabi naman ni Momo sabay tawa.

"Eh, Ano naman ang status ng relationship niyo ni Jeongyeon ngayon?" Tanong ko kay Momo kaya natigilan siya.

"Ah---Eh----"

"We're good friends." Sagot ni Jeongyeon.

"Yah! Good friends ka diyan. Alam naman naming type mo talaga si Momo." Pang-aasar ni Chaeyoung kay Jeongyeon.

"Shut up, Chaeyoung! Porke't may Nayeon ka lang eh." Inis na sagot ni Jeongyeon.

"Magkaibigan lang kami ni Jeongyeon!" Sabi ni Momo samin.

"Talaga ba?! Haha. Parang hindi. Palagi kasi kayong magkasama sa stall mo." Sabi ni Nayeon.

"Tama! Kahit kasama ako ni Momo magtinda, palaging nabisita si Jeongyeon. Minsan pinapauwi na ko ni Jeongyeon para masolo niya si Momo." Sabi naman ni Mina.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon