77: A Date ?

327 12 8
                                    

Momo's Pov:

Mukhang may nangyaring hindi pagkakaintindihan sa pagitan nila Dahyun at Mina. Halata namang may dinadamdam na kakaiba si Mina kay Dahyun. Nagsusungit kasi siya kanina kay Dahyun. Nadamay din ako sa pagsusungit niya.

Nang malaman ko yung tungkol sa pagbisita ng pinsan ni Mina kay Dahyun, alam ko na kung bakit.

My god! She's jealous. Obvious naman na nagseselos siya eh. Haha. Oh sige aaminin ko. Nagselos din naman ako sa kadahilanang baka may relasyon nga si Dahyun at ang pinsan ni Tzuyu nang di man lang namin nalalaman. Pero nilinaw naman niya na wala kaya paniniwalaan ko 'yun.

Saka, alam ko namang wala talaga akong laban kahit kay Tzuyu man. Kaibigan lang naman ang turing sakin ni Dahyun. Hanggang dun lang 'yun. Tanggap ko na naman. Ang gusto ko lang naman ngayon ay maayos na ni Mina at Dahyun kung ano mang problema nila.

Nakakagulat na nakapang-holdaper outfit si Dahyun ngayon. Para ba 'yun kay Mina o trip niya lang?

Pakiramdam ko may gusto na talaga si Dahyun kay Mina. Narinig ko 'yung bawat salitang binitawan niya kay Mina kanina. Ramdam ko yung sincerity niya. Ang swerte naman ni Mina. Yung pangarap kong gawin ni Dahyun para sakin, napunta sa kanya.

Matapos ang ilang minuto ng panunuyo ni Dahyun sa kanya, sumama na rin siya. Sasama din pala, pinatagal pa.

Well, masaya naman ako para sa kanila lalo na kay Dahyun. Magiging masaya ko kung saan man hahantong ang relasyon nila. Kung kinakailangan na tumulong ako para mas mapaglapit sila, gagawin ko.

Siguro iniisip niyo na katangahan 'yun. Siguro iniisip niyo na kung mahal ko siya, ipaglalaban ko siya. Pero hindi yun katangahan, pagpapahalaga 'yun sa pagkakaibigan naming dalawa. Alam kong hindi ko rin naman siya makukuha kahit na ipagpilitan ko ang sarili ko sa kanya.

Nang umalis silang dalawa, nagpatuloy na ko sa pagtitinda.

"Tama. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa taong hindi naman ako ang mahal." Nasabi ko na lang habang nag-aayos ng mga gulay.

"Bakit di mo subukang ipilit yung sarili mo sa taong mahal na mahal ka?" Nagulat ako kay Jeongyeon na biglang sumulpot.

"Huh? Andiyan ka pala, Jeongyeon." Umupo siya sa tabi ko.

"Nasaan na sila Dahyun?" Tanong niya sakin.

"Kumakain kasama si Mina."

"Sabi ko na nga ba eh. Effective 'yun!"

"Ang alin?"

"Huh? Ah. Wa--Wala. So, kumusta ka na? Bakit mukhang malalim ang iniisip mo kanina? Ni hindi mo nahalatang nakalapit na ko sayo eh" Sabi niya sabay tingin sakin.

"Wala. Inaantok lang ako."

"Is it about Dahyun and Mina?"

"Jeongyeon, Ano bang nangyari sa kanila?"

"Ayun! Mukhang naje-jelly si Mina sa pinsan niyang si Tzuyu. Bumisita kasi kay Dahyun." Sagot ni Jeongyeon sakin.

"Napagusapan nga nila kanina. Tama ka. Mukhang nagseselos nga si Mina. Hindi ko tuloy mapigilang matawa. Ang cute nila. Haha." Natatawang sagot ko sa kanya.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now