62: O f f e r

343 12 5
                                    

Tzuyu's Pov:

Sinong mag-aakala na magkukrus kaagad ang landas namin ni Mina sa muling pagbabalik ko sa bansa?

Magbusiness partners ang magulang ko at Dad ni Mina. Bata pa man ako, sinasabi na sakin ng magulang ko na mas deserve kong maging CEO ng company na hina-handle nila at ng Dad ni Mina.

Sinabi na nila sakin noon na balang araw mapapasakin ang pwesto, hindi kay Mina. Tama naman sila. Bata pa man ako, nakukuha ko na ang lahat ng gusto.

At ang gusto ko, pabagsakin si Mina. Bakit? Sadyang ayaw ko lang sa kanya. Gustong-gusto ko siyang nakikita na umiiyak noong bata pa kami.

At ngayong nagkita na ulit kami, panahon na para ipagpatuloy ang kagustuhan kong makuha ang posisyon na mamanahin niya sa kompanya. Magagawa ko 'yun sa paraang naiisip ko.

Spoiled Brat man ako para sa ibang tao, wala akong pakialam. Ang gusto ko, makukuha ko. Wala na kong magagawa sa ugali ko. Ganito ko, hindi ako magbabago para sa kahit na sino.

Actually, hindi ako tumutuloy kasama sila Dad at Mom. May sarili akong bahay. Hindi lang bahay, kundi maganda at magarbong bahay. Hindi na ko nagbalak na kumuha pa ng maid. Mas gusto kong nagagawa ko ang gusto ko nang walang nakakaistorbo sakin.

Nasa'kin na ang lahat. Alam ko 'yun. Pero may isang bagay na hindi permanente sa buhay ko. Wala akong matinong lovelife. Bakit ako mag-aaksaya ng panahon para sa mga walang kwentang tao? Aminado kong nakikipagdate ako, pero ni isa sa kanila walang tumatagal kasi madali akong magsawa.

Para sakin, laro lang ang love. Kasalanan na nila kapag na-inlove sila sakin. Hindi ako magso-sorry para dun. Wala akong ganang makipagdate ngayon sa mga boring na tao but there's one person na kinaiinteresan ko.

Interesado ko sa cutie na kasama ni Mina. I don't know. It's just kakaiba ang isang 'yun. Ni hindi man lang siya interesado sakin samantalang andaming nagkakandarapa para sakin. And, alam kong magagamit ko siya laban kay Mina.

Dahil bored ako sa bahay, napagdesisyonan kong maggala na muna. Sumakay na ko ng kotse't umalis na.

Habang nagdadrive ng kotse para maggala at magshopping, muntikan na kong makabangga ng isang tao na tatawid. Nanlaki ang mata ko nang makita kong nagcollapse siya. Mabuti na lang at naihinto ko ang kotse.

Walang ibang tao na naglalakad sa tahimik na kalsada kaya naman nagmadali na kong bumaba sa kotse para alamin kung anong nangyari sa kanya. Wala naman siyang injury o sugat na natamo pero nawalan siya ng malay. Sigurado kong hindi ko siya nabangga.

Natigilan ako nang makita ang mukha niya. Naka-hoody jacket pa siya.

Siya 'yung cutie na kasama ni Mina. Oh my god. Pagkakataon nga naman. Muling nagtagpo ang landas naming dalawa. Pagkakataon ko na 'to para isagawa ang plano ko.

Napalingon ako sa buong paligid. Napagdesisyonan ko na muna siyang dalhin sa kotse. Kumilos na ko para bumalik sa bahay. Nang makauwi na, buong lakas at pwersa ko siyang dinala sa loob.

Ihiniga ko na muna siya sa sofa. Napagod ako pero kaya ko naman. Ngayon, anong gagawin ko sa isang 'to? Napangisi na lang ako habang pinagmamasdan siya.

Mga ilang oras pa ang lumipas, napagdesisyonan ko siyang lapitan. Interesado talaga akong makipaglaro sa isang 'to. Palaban.

"Anong relasyon niyo ni Mina?" Nakangising sabi ko habang pinagmamasdan siyang matulog.

Tulad ng sinabi ko, lahat ng gusto ko ay nakukuha ko.

"I'll use you to break Myoui Mina." Bulong ko sa kanya sabay hawak sa pisnge niya. Natigilan naman ako nang magkamalay siya.

"Si--Sino ka? Asan ako?!" Napaiktad siya sa kinahihigaan niya.

"Mabuti naman at nagising ka na." Napapamewang na lang ako sa harapan niya.

"I--Ikaw? Diba ikaw yung muntikan nang makabangga kay Mina!" Sabi niya sabay turo sakin.

"Ako nga. So what?"

"L*ntek! Ako naman ang babanggain mo this time?!" Nakakunot noong sabi niya.

"Relax. It was an accident. You're in my house. No need to worry." Nakangising sagot ko sa kanya.

"Anong ginagawa ko dito? Bakit nandito ko?!"

"Alam kong hindi naman kita nabangga pero nawalan ka parin ng malay. Kaya dinala muna kita dito. Huwag kang mag-alala, akong bahala sayo." Nilapitan ko siya kaya naman agad siyang napalayo sakin.

"I'm leaving." Seryosong sagot niya sabay akmang aalis na pero agad kong nahawakan ang kamay niya.

"Are you afraid of me? Don't worry, I don't bite. But I know how to play. I want to play with you." Bulong ko sa kanya sabay tapik sa balikat niya kaya lumayo ulit siya sakin.

"What do you think you're doing?!"

"I'm just being friendly."

"Friendly mo mukha mo. Aalis na ko!" Dagdag niya.

"Palaban ka talaga. I like it. Gusto tuloy kitang bigyan ng offer."

"What do you mean?"

"Tulungan mo kong pabagsakin si Mina. Then you'll have every piece of me." Sagot ko sa kanya.

"Sa tingin mo, interesado ko sayo? No way. Wag na lang. Hindi ako traydor. Balakajan. Aalis na ko. Pwede ba wag ka nang magpapakita sakin o kay Mina. Spoiled Brat!" Sagot niya sabay lakad na paalis kaya naman natigilan ako sa pwesto ko.

Talaga naman! Nanggigigil na ko sa isang 'yun. Hindi ba siya nagagandahan o naa-attract sakin? Aish. Ano bang type ng isang 'yun? Si Mina? Aish. Ano bang panama nun sakin? Wth?!

Napairap na lang ako't hinayaan na lang siyang lumabas ng bahay. Akala ko kakagat siya sa offer ko. Hindi pala. Nakakapag-init ng ulo. Walang pwedeng kumontra sa mga desisyon ko. May araw rin sakin ang isang 'yun. Hindi pa ito ang huli naming pagkikita. Makikita niya.

💕To Be Continued💕

A/N: Guys, Another short update for you. Sorry sa naging role ni Tzuyu. Hahahaha. I love you, Tzuyu. Mwaah! Lol. Comeback na ba 'to ng WOKDH ng DaTzu? Hahaha. Charot.

Marami pang plot twist sa story kaya abangan niyo. Fighting.

Don't forget to leave some comments. Saranghaeyo.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now