PANAGINIP NA LANG

1.5K 16 0
                                    


Langit ay puno ng mga bituin. Mahinang binubulong ang aking mithiin.
Simple lang naman ang aking hiling.
Na sana'y balang araw ika'y makapiling.

Nakakita ako ng isang bulalakaw.
Ngunit ang bukod tanging nasa isip ay ikaw.
Laking gulat ko nang may humawak sa'king kamay.
At nakita kitang may ngiting malumanay.
Tila bumagal at tumigil ang oras.
Kamay ay di magalaw, parang nakaposas.

Iyong ngiti na sintamis ng kendi.
Sapat na ito upang lungkot ay mapawi.
Hindi mapakali dahil ikaw ay katabi.
Sana'y bumagal ang oras ngayong gabi.

Tinig ng iyong boses,
Nais kong marinig ng maraming beses.
Pag ako'y iyong tinawag,
May damdaming di maipaliwanag.
Ikaw, aking prinsipe, ang dahilan upang ngumiti.
Ikaw, mahal ko, ang liwanag ng mundo ko.

Sa ilalim ng langit na puno ng bituin.
Aking hiniling na ika'y maging akin.
Ako'y natulala nang bigla kang nagsalita...
" Ikaw lang mamahalin ko, wala ng iba. "

Ngunit, sa isang iglap, lahat ay naglaho.
Hindi ko na marinig ang boses mo.
Sa halip ay tinig ng orasan ang narinig ko.
Sikat ng araw ang dahilan,
Upang ako'y bumangon ng tuluyan.

Ako'y napa-ngiti ng di namamalayan.
Ngiti ay napalitan ng mga luhang nag-aagusan.
Di ka pa rin maalis sa isipan.
Di malimutan ang mga salitang iyong binitawan.
Di maiwasan ang panghihinayang.
Dahil lahat ng iyon ay PANAGINIP NA LANG.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now