TIWALA

1.9K 12 0
                                    

Tulad ng ibang tao...
Minsan ko ng naibigay toh.
Tulad din ng ibang tao...
Minsan na rin akong nawalan nito.

Ito ay isang bagay na sobra ang halaga.
Ngunit madali rin itong masira't mawala.
At mahirap itong maibabalik sa dati...
Lalo na kung ang nagbigay nito ay nagdadalamhati.

Labis na sakit ang iyong madadama...
Lalo na kung paulit-ulit na lang itong nasisira.
At mas mahirap tanggapin kung ang sumira nito...
Ay ang taong pinagka-tiwalaan mo ng husto.

Ang pagkasira nito ay sadyang nakakadala.
Dahil magda-dalawang isip ka na kung ito'y ibibigay mo pa ba.
Matatakot ka ng ibigay ito ng buo.
Dahil takot ka ng masaktan muli ang iyong puso.

Isa ito sa mga sangkap para tumibay ang isang relasyon.
Ngunit isa rin ito sa mga dahilan kung bakit maraming nasasaktan ngayon.
Kaya mag-isip ka muna bago mo ito ibigay sa ibang tao.
Dahil sa panahon ngayon, marami na ang manloloko.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon