Ngayong Araw Na Ito

288 8 0
                                    

(Requested by: F4wife
P.S.
Hello, good day. Pasensya na kung natagalan yung pagpublish ng tula na ini-request niyo. I've been very busy with school and applying for college, kaya hindi ko na napagfo-focusan yung pagsusulat ng mga tula. I hope you'll understand. Feel free to tell me kung may maling detalye para ma-edit ko agad. Salamat.)

~~~~~~~
"Ngayong Araw Na Ito"
By: OtakuZone

Masasabi kong espesyal ang araw na ito.
Dahil alam kong mahalaga ang araw na ito para sayo.
Isang araw na hindi pwedeng mawala sa kalendaryo.
Sapagkat ngayong araw na ito, madadagdagan nanaman ang edad mo.

Sana maibigan mo ang tulang ito.
Pasensya na kung ito lang muna ang kaya kong ibigay na regalo.
Saka nalang ako babawi kapag mayroon na akong trabaho.
Sa ngayon, pakinggan mo nalang muna ang mga salitang nagmula sa aking puso.

Oo, hindi ka perpekto.
Pero nagpapasalamat pa din ako dahil isa ka sa mga naging kaibigan ko.
Salamat dahil naging parte ka ng aking mundo.
Salamat sa pagiging mabuti at kaibigang totoo.

Maligayang kaarawan, kaibigan ko.
Nawa'y maging masaya ka ngayong araw na ito.
Asahan mong seryoso ako at nagsasabi ng totoo.
Lahat ng ito'y nagmula sa aking puso at walang halong biro.

Mahalaga ka kasi sakin kahit hindi masyadong halata.
Asahan mong wala ito sa Google at Wikipedia.
Wala rin ito sa Facebook, Twitter, o kahit saan pang social media.
Dito mo lamang matatagpuan sa aking tula ang mga binitawan kong salita.

Muli, maligayang kaarawan, kaibigan ko.
Sana hindi mo ko makalimutan kapag nakakilala ka ng bagong kakaibiganin mo.
Sana nagustuhan mo ang tulang inihandog ko para sayo.
At sana kahit nagbago man ang edad mo, hindi ka pa din magbabago.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now