PokMaru

189 2 0
                                    

(Requested by:Joan_Rachel07)

~~~~
"PokMaru"
Isinulat ni: OtakuZone

Knock! Knock!
Who's there?
Marupok!
Marupok who?

Ako.

Aaminin ko, nagiging marupok ako pagdating sayo.
Isang "sorry" mo lamang, baliwala na yung mga maling ginawa mo.
Konting lambing lamang, bumibigay na kaagad ako.
Hindi kita matiis dahil kapag ikaw na ang kaharap, nagiging mahina ang aking puso.

Mabilis akong kiligin sa mga banat na ibinabato mo.
Isang ngiti mo lamang, nawawala na ang galit na nadarama ko.
Kahit sobrang sakit ng ginawa mo, minamahal pa din kita ng todo.
Patuloy kitang binabalikan kahit alam kong iiwanan mo lamang ulit ako para sa ibang tao.

Knock! Knock!
Who's there?
Marupok!
Marupok who?

Ako.

Baliktarin man ang pagbanggit, iisa pa din ang kahulugan.
Iyan ang tawag sa taong nagpapatawad kaagad kahit sobrang nasaktan.
Yung taong tinatanggap pa din yung nagpa-iyak sa kanya at nang-iwan.
Malakas ngunit nagiging mahina kapag ang taong mahal niya ang kanyang kalaban.

Ang pagiging marupok ay hindi isang kasalanan.
Walang mali kung gusto mo siyang balikan.
Walang mali kung mabilis kang magpatawad sa tuwing ikaw ay kanyang nginingitian.

Subalit, hindi ibig sabihin nito na tama lamang na gamitin iyon ng iba para sa pansariling kaligayahan.

Knock! Knock!
Who's there?
Marupok!
Marupok who?

Ako.

"Marupok" ang tawag sakin ng mga nagiging kasintahan ko.
Iyan ang tawag nila sa akin dahil mabilis daw akong ma-uto.
Hindi ko maintindihan kung bakit nila ako ginaganito.
Tama bang gamitin ang malambot na puso upang makuha ang inyong gusto?

Maraming beses na akong nasaktan.
Maraming beses na din akong iniwanan.
Hindi ko mawari ang kanilang dahilan.
Sapat bang rason ang pagiging "marupok" upang ituring ako na parang isang laruan?

Knock! Knock!
Who's there?
Marupok!
Marupok who?

Ako.

Minsan ko na din naisipang magbago.
Gawing matigas at matapang ang mahinang puso't pagkatao.
Gustung-gusto ko nang tanggalin sa aking sistema ang pagiging marupok ko.
Dahil sawang-sawa na akong pulutin ang nagkapira-piraso kong puso.

Mahirap bang i-respeto ang isang tulad ko?
Oo, marupok ako pero kailangan pa bang magbago para lang tigilan mo na ito?
Marupok ako ngunit sinisiguro ko sayo na ang pag-ibig ko sayo'y totoo.
Ang nais ko'y seryosong relasyon at hindi isang laro.

Knock! Knock!
Who's there?
Marupok!
Marupok who?

Ako.

Marupok ako dahil seryoso ako sayo.
Marupok ako dahil hindi kita kayang tiisin tulad ng ibang mga tao.
Marupok ako at hindi ako nandito upang makipaglaro.
Nandito ako para ipakita sayo na kahit marupok ako, matatag naman ang pagmamahal ko.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon