Isang Minuto

353 6 1
                                    

Requested by: wenwengs

~~~~

"Isang Minuto"
By: OtakuZone

Sabi nila kapag may nakita kang bulalakaw, dapat humiling ka kaagad.
Dahil kapag may bulalakaw daw, lahat ng hilling ay natutupad.
Dati pinagtatawanan ko lamang ang paniniwalang iyan.
Pero ngayon, parang gusto ko na rin subukan.

Wala namang mawawala kung susubukan ko, hindi ba?
Ayos lang kahit hindi matupad ang hiling ko, ang mahalaga nasubukan ko na.
Nasubukan ko nang humiling sa bulalakaw ng isang bagay na imposible talaga.
Isang bagay na alam kong milagro at kaunting mahika lamang ang makakagawa.

Isang minuto lang naman.
Hindi na kailangang habaan.
Kuntento na ko sa isang minuto na iyan.
Isang minuto para makasama ka at masilayan.

Kahit isang minuto lang para naman masabi kong sa wakas nakasama rin kita.
Isang minuto upang aking masilayan ang iyong mukha.
Isang minuto para makita ko kung paano gumuhit ang ngiti sa iyong labi.
Isang minuto lang para mayakap kita kahit sandali.

Nakalulungkot isipin na hindi man lang kita nakilala.
Lumaki ako ng hindi ka man lang nakakasama.
Hindi mo man lang ako nasundo sa tuwing pumapasok ako sa eskuwela.
Hindi ko man lang naranasan lahat ng iyan nung mga panahong nandito ka pa.

Subalit huwag kang mag-alala, hindi kita kinamumuhian.
Bakit ko naman gagawin iyon kung pangungulila lamang ang aking nararamdaman?
Nangungulila ako dahil iniwanan mo ko mag-isa.
Hindi ka man lang nagpakilala at nagpaalam bago ka nagpahinga.

Wala pa kong muwang noong iniwan mo kami nina inay.
Ngunit, hindi ko inakalang iiwanan mo ko habambuhay.
Akala ko makikita pa kita, umasa ako na mabubuo pa tayo.
Subalit ako'y nabigo nung nalaman kong tuluyan ka nang naglaho sa buhay ko.

Gusto kong sabihin na napaka-daya mo talaga.
Napaka-daya mo dahil hindi mo man lang naisipang magpakita.
Hindi ka man lang nagpakilala sa iyong panganay.
Bigla ka nalang umalis at binura ang iyong sarili sa kanyang buhay.

Kaya sana nga matupad ng isang bulalakaw ang hiling ko.
Gusto kitang makausap, sapat na kahit isang minuto.
Isang minuto para malaman kung bakit iniwanan mo kami ni ina.
Isang minuto para mayakap ka at masabing mahal na mahal kita.

Isang minuto lang, sana ako'y iyong pagbigyan.
Isang minuto lang, upang ang iyong boses ay aking mapakinggan.
Isang minuto lang, sapat na iyon upang mabawasan ang sakit na aking nararamdaman.
Sapat na ang isang minuto para may matawag rin akong "Itay" tulad ng aking mga kaibigan.

Mahal kita kahit hindi kita nakasama.
At mamahalin pa rin kita kahit na wala ka na.
Iniwanan mo man ako noon, ikaw pa rin ang tatawagin kong "Ama".
Kaya sana nga matupad ang hiling ko, dahil labis na kong nangungulila.

Sana pakinggan ng mga tala ang aking hiling.
Sapat na ang isang minuto upang ika'y aking makapiling.
Salamat dahil binuhay mo ako at binigyan ng pangalan.
Isinusumpa ko na hinding-hindi kita makakalimutan.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon