Wala Na

275 4 0
                                    

Wala nang mas sasakit pa sa makita kang masaya.
Hindi sa piling ko kundi sa piling ng iba.
Wala nang mas hihirap pa sa makita kang lumuluha.
Hindi dahil sakin kundi dahil sa kanya.

Wala nang mas nakaka-inggit pa sa makita ka sa kalsada.
Na may ngiti sa mukha habang hawak mo ang kamay niya.
Wala nang mas mapait pa sa makita kang ngumingiti at tumatawa.
Hindi dahil sa mga biro ko kundi dahil sa mahal mo siya.

Wala nang mas tanga pa sa akin.
Patuloy na umiibig kahit nasasaktan na ang damdamin.
Wala nang mas durog pa sa puso kong pira-piraso.
Nahulog, nabasag, nang dahil sa pagmamahal ko sayo.

Wala nang mas bulag pa sa taong iniibig ko.
Mas pinili niya kasi yung taong halos perpekto ang pagkatao.
Wala nang mas manhid pa sayo na itinitibok ng aking puso.
Ipinapadama ko nang mahal kita, ngunit siya pa rin ang nakikita mo.

Wala nang mas hihigit pa sa pag-ibig ko para sayo.
Pag-ibig na binaliwala mo, subalit nanatili pa rin dito sa aking puso.
Wala nang mas lalalim pa sa kahulugan ng katagang bibitawan ko.
Mahal na mahal kita, kahit malabo nang maging tayo.

Wala nang mas lilinaw pa sa tunay kong nadadama.
Wala nang mas lalabo pa sa ideyang magiging tayong dalawa.
Nakakatawa na ipinapadama kong mahal kita pero hindi mo makita.
Paano mo nga naman iyon magagawa kung sa kanya ka na lumiligaya?

Wala na. Wala nang pag-asa. Tama, wala na nga.
Dahil sa ngiti mo palang, halatang-halata na.
Na hindi mo siya magagawang iwanan o bitawan para sakin.
Kitang-kita ko sa iyong mga mata na kahit ano pa ang gawin ko, siya pa rin ang iyong pipiliin.

Wala nang mas peke pa sa ipinapakita kong pag-suporta.
Yung kahit ang sakit-sakit na, sinuportahan nalang kita.
Yung kahit selos na selos na ko, pinilit ko pa ring ipakita na masaya ako para sayo.
Yun ang ipinakita ko kahit ang totoo'y wasak na wasak na ang aking puso.

Wala nang mas lulungkot pa sa ngiting ipinakita ko sa inyo.
Ipinakita kong ayos lang ako, habang ang kalungkuta'y pilit kong itinatago.
Wala nang mas hihina pa sa tuhod ko na gusto nang bumigay.
Subalit pinilit kong manatiling nakatayo at humakbang pa-labas ng iyong buhay.

Wala na ngang pag-asa na maging tayo ulit.
Dahil sa iyong puso, ibang pangalan na ang naka-ukit.
Wala mang pag-asa, ganun pa rin ang aking nadadama.
Mahal na mahal pa din kita, kahit may mahal ka nang iba.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon