TAYO BA?

1.5K 6 0
                                    

Pinakawalan kita ngunit bumalik ka.
Tinanggap kita muli dahil mahal pa kita.
Lumikha ulit tayo ng panibagong istorya.
Pero sa kalagitnaan ay nagbabago ka na.

Ganito na lang ba tayo palagi, mahal ko?
Ako ba dapat ang palaging lumalapit sayo?
Alam kong marami kang pinagkaka-abalahan.
Pero sana, kahit sandali, pumasok ako sa'yong isipan.

Mahal, gusto kong malaman mong naiintindihan kita.
Iniintindi kita dahil ayokong mawala ka.
Pero masama bang  humingi ng kaunting oras mula sayo?
Konting oras at atensyon, yan lang ang hiling ko.

Marami kang ginagawa, yan ang iyong dahilan.
Pero bakit pakiramdam ko, ako'y iyong nalilimutan?
Bakit parang hindi mo ko kasintahan?
Bakit ang tawag mo dito'y ka-dramahan?

Mahal, parehas lang tayong tao.
Kaya gusto kong malaman mo na napapagod din ako.
Pero kahit ganun, hindi ko magawang sumuko.
Dahil minamahal kita ng buong puso, yun ang totoo.

Mahal... TAYO BA?
Bakit parang HINDI NA?
Mayroon pa ba kong HALAGA sa iyo?
Bakit parang BINABALIWALA mo ko?

Pakiramdam ko, ako'y isang HANGIN.
Kung di pa ko magpaparamdam, hindi mo ko papansinin.
Ayokong mawala yung salitang "TAYO".
Dahil alam kong madudurog ang aking puso.

Sa isang relasyon, mahalaga ang oras at komunikasyon.
Kaya sana kahit sandali, bigyan mo ko ng atensyon.
Sana sa tulang ito, maintindihan mo na ko.
Sana alam mo na kung bakit ako nagkakaganito.

❄❄❄❄❄

ANSABI NI AUTHOR KAY BF :
 " Miscommunication ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming natatapos na relasyon. Hindi sapat na rason yung "BUSY" ka para hindi mo siya kausapin. Ano yun? "BUSY" ka palagi ganern? 😂..
Kung mahal mo talaga siya, make time for her. Kasi GF mo yan. Priority yan. Kung hindi man siya yung first, dapat kasama pa din siya sa listahan. Oh sige sabihin na nating "BUSY" ka nga talaga, pero hindi ba mas maganda kung sabihin mo muna sa kanya? At kung anong ginagawa mo?
Kesa yung after ng ilang oras pag kinausap ka na niya saka mo lang sasabihin na "BUSY" ka kasi. Sa aming mga babae, ang litaw nyan EXCUSES. Hindi ka-dramahan yung ginagawa niyang pagrereklamo tungkol sa time nyo at pangsi-seen mo sa messages niya. Natural aawayin ka niya kasi nga HINDI MO SIYA BINIBIGYAN NG ATENSYON. Oo, nagso-sorry ka. Pero bakit inuulit mo? Kasi alam mo sasabihin niya na okay lang? 😑
Ha! Makiramdam ka naman pre.
Di mo ba ramdam na hindi siya okay sa ginagawa mo?
Ikaw ba? Kapag ginawa ba sayo ng GF mo yung ginagawa mo sa kanya, magugustuhan mo ba?
OKAY LANG BA NA GAWIN DIN NIYA SAYO YAN?
Kasi kung ayos lang sayo na gawin din nya toh sayo, PAKAWALAN MO NA SIYA. Oo tama yang basa mo. 👊
Oh? Sasabihin mo ayaw mo kasi mahal mo?
Wow. Slow clap pre 👏😑
Mahal mo pala eh... IPARAMDAM MO NAMAN BRAD. HINDI YUNG HANGGANG SALITA KA LANG.
Wag kang pakampante brad. Pag yang GF mo napagod at sumuko, ewan ko nalang kung bumalik pa yan ulit sayo. Tandaan mo dre, naging kayo dahil MAHAL KA NIYA. Kaya magbago ka na hangga't maaga pa."

ANSABI NI AUTHOR KAY GF :
" Wala naman masama sa ginagawa mong pag-aapproach palagi. Pero please lang, pag hindi pa rin siya nagbago, sumuko ka na. Alam kong mahirap. Alam kong nakaka-panghinayang. Pero mas lalo ka lang masasaktan pag kumapit ka pa. Alam ko hindi mo pa kaya dahil mahal mo pa. Pero dadating din ang araw ikaw na mismo ang gigising sa sarili mo. Walang masama sa pagiging t*nga. Pero masama na yan kapag sumobra na siya. Kasi parang sinasaktan mo yung sarili mo pero willing ka naman masaktan sa pambabaliwala niya sayo kasi nga mahal mo siya. Ganyan talaga pakiramdam pag nagpapaka-t*nga sa taong mahal mo. 
Pero, DON'T LOSE YOURSELF IN THE PROCESS OF LOVING YOUR BOYFRIEND. Kapag alam mong sobra na at hindi mo na kaya, tama na. Maawa ka sa puso at utak mo. Wag mo ng hintayin yung time na lahat na lang okay na lang sayo kasi nga napagod ka na ng husto. Konting pahinga naman. Wag mong saktan sarili mo emotionally at mentally nang dahil lang sa kanya."

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon