Ikaw Pa Din

310 1 0
                                    

" Mahal niya ko, pero mahal kita.
Mahal kita, pero ang mahal mo'y iba.
Umaasa siya sa akin, samantalang umaasa naman ako sayo.
Ako ang pinili niya, subalit ikaw pa din ang pinili ko."

Sa lahat ng pwede kong mahalin, bakit ikaw pa?
Hindi ba pwedeng magmahal nalang ako ng iba?
Yung taong minamahal din ako tulad ng pagmamahal ko sayo.
Bakit nga ba hanggang ngayo'y ikaw pa din ang pinipili ko?

Bakit kasi ikaw pa ang pinili ng aking puso?
Bakit ikaw pa kung pwede namang siya nalang ang ibigin ko?
Hindi ko maintindihan kung bakit hindi nalang siya?
Siya na hindi magawang tumingin sa iba.

Ibang-iba siya sayo.

Para siyang puno at ikaw yung damo.
Tama, ganyan ka-laki ang pinagkaiba niyo.
Ibang-iba siya sayo sa lahat ng aspeto.
Malinaw na mas higit siya subalit banda dulo sayo pa rin ang bagsak ko.

Ikaw.

Ikaw pa din ang minamahal ko.
Minamahal kita kahit hindi ako ang mahal mo.
Minamahal kita kahit alam kong manhid ka.
Napaka-manhid mo dahil nandito naman ako subalit tumitingin ka pa din sa iba.

Samantalang siya, ako lang ang mahal niya.
Ipinadama niya sakin na ako lang ang laman ng puso't isip niya.
Napaka-malas lang niya dahil ikaw pa din ang pinili ko.
Ikaw pa din pinili ko kahit nagdurugo na ang aking puso.

Itinulak ko siya palayo upang hindi na siya mahirapan pa.
Ayokong paasahin siya at paghintayin sa wala.
Dahil malabo talaga na piliin ko siya.
Malabong-malabo dahil napaka-linaw na sa dulo mas pipiliin pa din kita.

Aaminin kong napahanga niya ko nang husto.
Napahanga niya ako subalit hindi niya pa din napatibok ang puso ko.
Nanatili itong sarado, nanatiling naka-kandado.
At yung kaisa-isang susi ay nanatili sa mga kamay mo.

Hindi ko alam kung ano bang mayroon sayo na wala sa kanya.
Bakit kahit nandito siya, hinahanap-hanap pa din kita?
Bakit ikaw pa din ang pinipili ko kahit nandyan naman siya?
Siya na umaasa, nagmamahal, at lumalaban pa din kahit nasasaktan na.

Mahal kita.

Mahal kita, subalit ang minamahal mo ay iba.
Mahal niya ako, pero minamahal kita.
Tatlong tao na patuloy na umaasa sa taong iniibig nila  kahit wala nang pag-asa.
Tsaka ko lamang napagtanto na sa sitwasyong ito, hindi lang pala ako ang nagpapaka-tanga.

" Ngayon ko lamang napagtanto na sa sitwasyon na ating kinalalagyan...
Hindi lang pala ako ang naghahabol, umaasa, at nasasaktan."

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon