Bakit Nga Ba?

264 1 0
                                    

Minsan may mga bagay na mahirap tanggapin.
Mahirap tanggapin dahil masakit sa damdamin.
Minsan may mga bagay na mahirap paniwalaan.
Tulad nalang ng kasabihang, "Lahat ng bagay, may hangganan.".

Sa mga paligsahan, palagi akong natatalo...
Pati ba naman dito, talo pa rin ako?
Dinadaya na yata ako ng tadhanang mapagbiro.
Ang tadhana talaga, hindi patas kung maglaro.

Ngayon lang ako nakaranas ng labis na kalungkutan.
Kalungkutan na hindi ko inakala na aking mararanasan.
Sa lahat ng pwede kong ika-lungkot at iyakan, bakit ito pa?
Bakit ito pa ang naging dahilan ng pagtulo ng aking mga luha?

Dati wala akong pakialam kahit ako'y madapa at masugatan.
Dati parang wala lang sakin ang maligaw at maiwanan.
Dati hindi ako takot sumubok at sumugal.
Pero lahat ng iyan nagbago sa sandaling naranasan ko ang magmahal.

Sa loob ng ilang taon ngayon lang ako naging interesado.
Interesadong makilala at makasama ang isang partikular na tao.
Siya. Siya ang bumihag sa puso kong nababalot ng yelo.
Siya ang naging laman ng aking isipan at puso.

Paano natunaw ang yelo? Hindi ko rin alam.
Sapagkat, masyado akong natuwa sa init na kanyang ipinaparamdam.
Hindi ko namalayang natunaw na pala ang yelo.
Isang yelo na nabuo upang di na muling mabasag pa ang aking puso.

Ano nga bang dahilan at nahulog ako sa kanya?
Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung bakit nga ba.
Hindi ko inakalang may mga tanong na mas mahirap sa tanong sa Algebra.
Tulad nalang ng kung, "Bakit nga ba  mahal kita?".

Marami akong mga tanong, marami rin akong agam-agam.
Mas mahirap pa ito sagutin kaysa sa pagsusulit ko sa Agham.
Subalit, nakalimutan kong may mga tanong nga pala na walang kasagutan.
Kung kaya't hindi ko na iyon inisip pa, at patuloy na umusbong ang aking nararamdaman.

Patuloy na umusbong ang aking nararandaman...

Yan. Yan ang dahilan kung bakit ako nasasaktan.
Patuloy kong minahal ang taong may iba nang nagugustuhan.
Mahirap harapin at tanggapin ang katotohanan.
Katotohanan na hindi na kami parehas ng nararamdaman.

Bakit nga ba ito pa ang iniiyakan ko ngayon?
Samantalang, mga marka at mga istorya lang ang iniiyakan ko noon?
Bakit nga ba ito pa ang nagpaguho ng aking mundo?
Samantalang ayon sa libro, Global Warming lang ang makasisira dito?

Isang inosenteng indibidwal, ganyan ang tingin sakin ng mga tao.
Subalit nang dahil sa pag-ibig, namulat na agad ang mga mata ko.
May mga bagay ako na natutunan, may mga bagay akong nalaman.
Na kapag nagmahal ka, asahan mo na ikaw ay masasaktan.

Ang unang mahulog, yun ang madalas nabibigo.
Ang isinugal ang lahat, yun ang madalas natatalo.
Ang nagtiwala nang lubos, ang siyang lubos na masasaktan.
At ang mga nangangako, madalas sila yung unang nang-iiwan.

Bakit nga ba may mga taong ganito?
Mangangako subalit bibitaw din at susuko.
Magtitiwala at magpapatawad subalit palagi pa ring naloloko.
Magmamahal nang totoo ngunit pinapaikot pa rin na parang trumpo.

Bakit nga ba kapag nagmahal ka, kailangan handa ring masaktan?
Dahil dapat natuto ka na sa iyong nakaraan.
Kailangan pag tumibok ang puso, alam mo na maaari ring mabasag ito.
Dahil sa larangan ng pag-ibig, marami na ang pusong nagkapira-piraso.

Bakit nga ba nasasabi ko ang mga ito? Paano?
Simple lang, minsan na rin kasi akong nabigo.
Ayon sa simula ng tulang ito, minsan na kong natalo.
Natalo ako dahil isinugal ko ang lahat para sa iisang tao.

Marami akong natatanggap na payo, subalit nanatiling wasak ang aking puso.
Sinubukan ko itong ayusin, pero nadadagdagan lang ang mga sugat ko.
Sapagkat ang bawat piraso nito ay naglalaman ng mga alaala.
Alaala na naiwan at nanatiling buhay kahit wala na siya.

Batid kong nais niyong malaman kung nasaan siya.
Nandoon siya, sa piling ng taong nagpapasaya sa kanya.
Kamusta ako? Heto, tahimik na nagmamasid at pinapanood sila.
Hanggang dito nalang kasi ako, isang saksi sa pagmamahalan nilang dalawa.

Bakit nga ba mas pinili kong maging saksi?
Bakit nga ba hindi ko siya pinilit na maging akin muli?
Bakit nga ba kahit natalo na ko, nandito pa rin ako?
Bakit nga ba hanggang ngayon, siya pa rin ang nagmamay-ari ng aking puso?

Minsan may mga bagay na walang kasiguraduhan.
Tulad ng pangakong...
"Mananatili ako dito, hindi kita bibitawan."
Minsan may mga tanong na walang kasagutan.
Tulad ng....
"Bakit mo nga ba ko iniwanan?"

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon