Isang Kislap ng Bituin

813 1 0
                                    

(Requested by: Ate_M17)

Pinagmasdan ko ang mga bituin sa kalangitan.
Nais ko sanang bilangin subalit masyadong madami ang aking  nasisilayan.
Kumikinang, kumukutitap, parang mga ilaw na malapit nang mapundi.
Ang pinagkaiba nga lang, ang mga bituin ay mas matagal nananatili.

Ngunit kahit gaano man kahaba ang buhay ng isang bituin, natutuldukan din ang kanila.
Tumatanda at naglalaho din na parang bula.
Ang mga bituin ay parang isang pangarap.
Pangarap na maaaring maglaho din sa hinaharap.

Kung kaya't dapat lamang na magsumikap.
Magsumikap at magpursigi para sa ating mga pangarap.
Tulad ng ibang tao, may mga pangarap din ako.
Mga pangarap na nais ko din abutin habang ako'y nandito pa sa mundo.

Isa na dito ang pagiging pulis.
Ito'y isang pangarap na noon ko pa ninais.
Isang pulis na tapat na paglilingkuran ang ating bayan.
Isang pulis na katotohanan at hustiya ang ipinaglalaban.

Ito ang gusto kong maging sa hinaharap.
Bata pa lamang ako, iyan na ang aking pinangarap.
Pinangarap ko subalit mukhang malabong maabot ko ito.
Hindi daw iyon maaari, sapagkat mahaba ang buhok ko.

Kahit gaano ko man ito pangarapin, mukhang malabo talaga.
Lalo na kung ayaw kong ipaputol ang buhok kong mahaba.
Ngunit kahit malabo, nanatili pa din ito sa aking listahan.
Patuloy na magbabaka sakaling ito'y aking makamtan.

Dumaan ang ilang buwan, isang panibagong bituin ang aking nasilayan.
Isang panibagong pangarap na nais kong mabigyan ng katuparan.
Isang accountant, iyan ang sunod kong naisipan.
Siguro naman wala nang magsasabi na hindi maaari iyan.

Kailangan ng sapat na kaalaman sa Matematika upang ito'y makamit ko.
Sapagkat puro matataas na numero ang makakaharap ko dito.
Hindi madali, subalit kailangan kong magpursigi.
Alang-alang sa aking pangarap, kailangan kong mag-aral nang mabuti.

Ang kalangitan ay aking muling tiningala.
Kalangitan na nababalot ng mga kumikinang na tala.
Sa ilang sandali, para bang nakita ko sa mga ito ang aking mga pangarap.
Mga pangarap na nais kong makamit sa hinaharap.

Ang aking mga pangarap ay parang isang kislap ng bituin.
Patuloy na kumikislap, patuloy kong hahabulin.
Hindi ako titigil hangga't hindi nagdidilim ang aking paningin.
Patuloy na maniniwala na lahat ng ito'y maaabot ko din.

Isang kislap ng bituin mula sa kalangitan.
Mga bituin na nabibigay liwanag sa langit na nababalot ng kadiliman.
Parang mga pangarap na nagsisilbing gabay.
Gabay patungo sa direksyon na nais nating tahakin sa ating buhay.

Ipinikit ko ang aking mga mata at mataimtim na nagdasal.
Na sana'y makapagtapos ako sa aking pag-aaral.
Na sana, balang araw, maabot ko na ang mga bituin.
Mga bituin na sumisimbolo sa mga pangarap na nais kong abutin.
~~~~~~~~~~~~~~~
P.S.
Sorry kung natagalan ang pag-publish ng piyesa na ni-request mo. I hope you liked it. I did my best just like I promised. Kung sakaling hindi mo ito naibigan o may mali, maaari mo pong sabihin sakin. Salamat nang marami!!! (^w^)/

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon