Sadyang nakakapagtaka.
Ako'y nagdududa.
May mga sikreto ka ba?
Bakit parang nagsisinungaling ka na?Ayoko sanang magsalita.
Balak ko pa sanang manahimik at magtiwala.
Subalit masyado nang halata.
Kailangan ko nalang ng mga ebidensya.Ano ba talaga?
Pasensya ko'y ubos na.
Ano ba talaga ang iyong ginagawa?
Ginagawa mo na ba kong tanga?Magsalita ka.
Wag mo nang hintayin na maubos ang aking tiwala.
Maiintindihan naman kita.
Wag mo nang hintayin na malaman ko pa ang katotohanan sa iba.Sana huwag mo kong paglaruan dahil hindi ako manika.
Tao din ako na marunong masaktan at lumuha.
Naaalala mo pa ba ang usapan nating dalawa?
Walang maglilihim at magiging tapat tayo sa isa't-isa.Hinihiling ko sa mga bituin na sana hindi tama ang aking hinala.
Hinala na may third-party na pala.
Wag mo kong bigyan ng dahilan upang iwanan kang mag-isa.
Dahil kaya ko rin sumuko kapag hindi ko na kinakaya.
BINABASA MO ANG
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Poetry(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...