Para Sa Mga Sawi At Iniwan

3.2K 9 4
                                    

Marami na ang mga tula na aking naisulat.
Mga piyesa na matamis, mapait at maalat.
Sana ito rin ay inyong magustuhan at basahin ng mabuti.
Heto ang mga linya ng mga taong nasawi.

Ngunit, paano ko sisimulan ang tula na puno ng kalungkutan?
Kailangan ko bang gumamit ng masasakit na salita upang ito'y inyong maramdaman?
Gamitin ang puso, buksan ang isipan.
Upang maintindihan ang mga linya na aking bibitawan.

1.) Buti pa yung outcome at goal may sagot pag pinag-iisipan.
Pero yung pagbitaw mo nanatiling palaisipan.
Ano nga bang nasa gitna ng tayo at wala?
Nais ko lamang malaman ngunit pakiusap wag mong ipadama.
Ayokong masaktan kahit wala akong karapatan.
Ayokong magtanong kung bakit mo ko iniwan at pinalitan.

2.) Alaala nating dalawa animo'y parang bulaklak.
Bulaklak na namumukadkad kapag ang langit ay umiiyak.
Sabihin mo sa akin, saan ako nagkulang?
Saan ako nagkulang sa ginagawa kong pag-aabang?

3.) Patuloy na nagmamahal kahit nasasaktan na.
Patuloy na naghihintay kahit nawawalan na ng pag-asa.
Anong mali ang dapat kong itama para lang marinig mula sayo ang salitang "mahal pa kita"?
Anong dapat kong gawin kapalit ng isang kasinungalingan sinta?

4.) Ayos lang ba kung mas pipiliin kong magpakatanga?
Magpakatanga at magpakabulag sa aking nadarama?
Ayos lang ba kung magpapanggap akong walang alam sa katotohanan?
Katotohanan na dahilan ng aking pag-iyak at kung bakit ako nasasaktan?

5.) Ayos lang naman hindi ba, mahal ko?
Di naman ikaw yung masasaktan dito.
Ipinapangako ko sayo na ako'y magpapakatotoo.
Pero sa ngayon, hayaan mo muna akong saktan at bulagin ang sarili ko para sayo.

6.) Hindi mo lang alam..
Kung gaano kasakit ang epekto ng binitawan mong "paalam".
Kung alam ko lang...
Sana pala pinaghandaan ko man lang.

7.) Sa pagitan ng ikaw at ako, nandun ako nakatayo.
Patuloy na umaasang magkakaroon muli ng "tayo".
Nandun ako sa pagitan.
Umaasa na magawan ng paraan.
Upang maudlot ang inyong pagmamahalan.
Nakakatawa na ang dati mong prinsesa ay naging kalaban.

8.) BAKIT AYAW MONG MAGBIGAY NG DAHILAN?!
DI MO BA NAKIKITA NA PAREHAS TAYONG NAHIHIRAPAN?!
O SADYANG NABULAG KA NA SA IYONG NADARAMA PARA SA KANYA?!
TATANGGAPIN KO ANG PAGBITAW MO PERO WAG MO KONG GAWING TANGA!

9.) Oo mahal kita. Mahal na mahal kita kaya nagawa kitang palayain.
Pinalaya kita dahil ramdam kong hindi ka na masaya sakin.
Pinalaya kita dahil iba na aking nakikita sa iyong mga mata.
Pinalaya kita dahil ramdam kong hindi na ako ang mahal mo, sinta.

10.) Madami na ang mga katanungan sa aking isipan.
Mga katanungang di na mabibigyan ng kasagutan.
Mga katanungan tulad ng kung bakit mo ko iniwan.
Bagay na naging dahilan kung bakit hanggang ngayon ako'y nasasaktan.

Pagdating sa hugutan, panalo ang mga minsan nang nasawi at nasaktan.
Kaya minsan mas mabuting manahimik at sila'y pakinggan.
Pagbigyan na lamang at hayaan silang ilabas ang tunay nilang nararamdaman.
Upang inyo ring malaman kung gaano kasakit ang kanilang pinagdaanan.

Sila yung mga taong nagmahal na ng lubos ngunit di pa rin sapat.
Kaya may ibang mga tao na takot nang magmahal ng tapat.
Dahil sa laro ng pag-ibig marami na ang nabigo.
At karamihan sa mga ito ay yung mga nagmamahal ng tapat at seryoso.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon