Tama Na

358 3 1
                                    

(Requested by: Joan_Rachel07

P.S.
Good day! Pasensya na kung natagalan yung pagpublish ng tula na ini-request niyo. I've been very busy with school lately, kaya hindi ko napag-focusan yung pagsusulat ng mga tula. Bukod dun, it's not easy to create a new poem lalo na kung wala sa mood at walang inspirasyon o di talaga ginaganahang magsulat. I hope you'll understand. Feel free to tell me kung may maling detalye para ma-edit ko agad. Salamat.)

~~~~~~~
"Tama Na"
By: OtakuZone

Naranasan mo na bang mabitin?
Nangyari na ba sayo yung cliffhanger kung tawagin?
Yung malapit ka nang manalo sa Mobile Legend pero biglang nag-hang yung cellphone mo?
Yung akala mo mahal ka niya pero hindi naman pala totoo yung mga sinabi niya sayo?

Ganyan. Ganyan ang nangyari sa ating istorya.
Ay mali, istorya ko lang pala dahil ako lang naman ang naging bida.
Akala ko ikaw na, akala ko magiging ka-love team kita.
Pero nagkamali ako, dahil napilitan ka lang pala.

Tama, napilitan ka lang na pakiligin ang aking puso.
Napilitan ka lang na pakiligin ang isang tulad ko.
At dahil wala akong kaalam-alam, naniwala ako sayo.
Nahulog at nagpauto sa mga salitang binitawan mo.

Akala ko natalo ko na si Rapunzel sa pahabaan ng buhok.
Yun pala ang mga ginawa at sinabi mo sakin ay matagal nang nabulok.
Lahat ng mga iyon ay nasabi mo na rin pala sa iba.
Sorry kung umasa ako ha, akala ko kasi seryoso ka talaga.

Oo, nag-assume ako.
Nag-assume ako na magkakaroon ng "tayo".
Ang galing mo kasing magtago, hindi man lang kita na-halata.
Kaya siguro umasa ako at naniwala.

Napilitan ka lang pala, nakakatawa.
Nakakatawa dahil nakaramdam ako ng awa.
Awa sa puso kong nahulog sa mga matatamis mong salita.
Mga salitang nagpalalim sa aking nadadama.

Oo na, tama na.
Itigil mo na ang iyong ginagawa.
Nasaktan mo na ko at pinaasa sa wala.
Kaya tumigil ka na dahil napatunayan mo nang magaling ka.

Tama na, huwag mo na kong pagmukhaing tanga.
Nabasag mo na ang puso ko, hindi ka pa ba masaya?
Nahulog na ko sa patibong, hindi pa ba iyon sapat para tumigil ka na?
Bakit? Ano pa bang gusto mong makuha?

Gusto mo kong umiyak nang dahil sayo?
Gusto mo bang habulin kita at magmakaawang mahalin mo rin ako?
Gusto mo bang lumuhod pa ako sa harapan mo?
O gusto mong makita muna ng mga kaibigan mo na madali lang akong mauto?

Kahit huwag mo na kong mahalin, tumigil ka na lang.
Dahil kahit gaano pa ka-hirap, hindi na ako aasa at mag-aabang.
Tama na, itigil mo na ang iyong pambobola.
Dahil hindi na ko maniniwala kahit sintamis pa ng asukal ang mga bibitawan mong kataga.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon