Remedial

497 2 1
                                    

Uy! Walang pasok, isang nakakatuwang balita, hindi ba?
Subalit, hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang aking nadadama.
Hindi ako makaramdam ng saya o tuwa.
Marahil iyon ay dahil sa naisip kong isang panibagong remedial muli ang aking makukuha.

Suspendido ang lahat ng klase, mula sa elementary hanggang kolehiyo.
Isang bagay na nakakapagpasaya ng ibang mga tao, pati na rin sa mga magulang ko.
Hindi tulad nila, hindi na ko natutuwa.
Sapagkat kailangan kong mag-remedial upang habulin ang aking marka.

Hindi naman kasi ako matalino tulad ng iba.
Hindi ako gaanong magaling sa Matematika.
Hindi naman sa sinasabi kong bobo ako at walang kaalam-alam.
Gusto ko lang sanang busugin ang utak ko upang maabot ang mga pangarap na aking inaasam.

Hindi bale sana kung walang remedial na kapalit.
Siguro ngayon palang tumili na ko sa tuwa nang ilang ulit.
Subalit, aanhin ko ang walang pasok kung ang aking marka ang nakataya?
Aanhin ko ang lahat ng iyan kung ang grades ko naman ay mahahatak pababa?

Ano nga bang pakialam niyo sa isang tulad ko?
Na sa halip na gadgets ang hawak ko, mas pipiliin ko ang libro?
Ano nga bang pakialam niyo? Hindi naman na iyon mahalaga.
Sapagkat ang mahalaga lamang sa inyo ay ang maglaro at gumala.

Hindi ko nila-lahat, pero sana'y maintindihan rin ninyo.
Na hindi lahat ng tao, natutuwa sa balitang ito.
Hindi ko maintindihan kung anong nakakatamad sa pagpasok sa eskuwela.
Kaya pasensya na kung hindi ko rin maintindihan ang nadadama niyong tuwa.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now