Preso

178 2 0
                                    

Ngingiti nalang at sasabihing, "Ayos lang ako."
Babaliwalain ang umiiyak kong puso.
Magpapanggap na kuntento sa kung anong meron tayo.
Kahit alam ko sa sarili ko na hindi iyon totoo.

Pati ang mga luha'y pipigilang tumulo.
Haharap sa iyo nang may ngiti sa labi ko.
Ang tunay na nadadama'y mananatiling sikreto.
Itatago ang katotohanan gamit ang ngiting marami nang naloko.

Magbibingi-bingihan sa isinisigaw ng puso.
Ang lungkot at sakit ay babaliwalain ko.
Hahanapin ang saya sa imahinasyong nabuo.
Imahinasyon na kung saan ako lang ang mahal mo.

Sa aking pag-iisip, ako'y naging preso.
Maraming beses nang nakalaya pero bumabalik pa din ako.
Bumabalik sa mundong binuo ng isip kong mapaglaro.
Isang mundo na kung saan ako ang pinili mo.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon