Basahin Mo Kapag Dinedma Kita

366 1 0
                                    

Alam mo na hindi mahaba ang pasensya ko.
Darating din yung punto sa mapuputol din ito.
Darating din ako sa punto na kung saan magagalit ako sayo.
Darating din yung punto na dededmahin ko yung "sorry" mo.

Walang perpektong tao, mahal ko.
Lahat tayo pare-pareho.
Pare-parehong nagkakamali at nauubusan ng pasensya.
Yung tipong bigla nalang mapipikon dahil sumusobra na.

Huwag kang mag-alala, naiintindihan ko naman.
Hindi ako galit sayo, kaya wala kang dapat pagsisihan.
Mahal na mahal kita, iyan ang lagi mong tatandaan.
Magalit man ako o magtampo, hindi iyon sapat na dahilan upang ika'y aking bitawan.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon