Crush

515 5 0
                                    

(Requested by: ximinswifeu
P.S.
Hello, good morning. Pasensya na kung natagalan yung pagpublish ng tula na ini-request niyo. I've been very busy these past few weeks, kaya hindi ko na napagfo-focusan masyado yung pagsusulat ng mga tula. Sorry for making you wait this long, I hope you'll understand. Feel free to tell me kung may maling detalye para ma-edit ko agad. Salamat.)

~~~~~~~~~
"Crush"
By: OtakuZone

Mayroon akong ibabahagi sa inyo.
Huwag niyo sanang ipagkalat, satin-satin lamang ito.
Dahil masyadong delikado kapag nakarating ito sa kanya.
Hindi pa ko handang marinig na kaibigan lamang ako sa kanyang mga mata.

Alam niyo naman siguro na masakit ang ma-busted.
Mas nagiging masakit ang katotohanan kapag nanggaling iyon sa iyong beloved.
Kaya nakikiusap ako, huwag niyo sanang ipagkalat ang aking sikreto.
Dahil hindi pa ko handang tuluyan na masaktan at mabigo.

Sa totoo lang, may gusto ako sa kanya.
Hindi ko rin alam kung bakit siya pa.
Marami namang iba subalit siya lamang ang nakakuha ng aking atensyon.
Bagay na inaasam kong makuha din sa kanya mula noon hanggang ngayon.

Masakit umasa pero patuloy ko pa din ginagawa.
Nagbabaka-sakaling magiging akin din siya.
Umaasang magkakaroon ako ng kahit man lang maliit na tsansya.
Kahit malinaw naman na hindi niya ko makikita.

Para akong hangin na nagpaparamdam sa kanya.
Samantala, parang tinurukan siya ng anesthesia.
Kahit anong gawin kong pagpapapansin, hindi niya pa din madama.
Ganun ba talaga kapag simula pa lang wala ka nang halaga?

Crush ko siya pero yung puso ko nadudurog na.
Crush ko siya pero ramdam ko na wala akong pag-asa sa kanya.
Masaklap man pero wala akong magagawa.
Wala akong magagawa kundi makuntento sa mga nakaw na tingin mula sa kanya.

Tanggap ko naman na ako lang ang may nararamdaman.
Ako lang ang umaasa na mayroon itong patutunguhan.
Hindi naman ako bulag, subalit mas pipiliin kong magbulag-bulagan.
Dahil sa ganung paraan ko lamang nararamdaman yung saya na kahit kailan, hindi ko makakamtan.

Oo, crush kita pero sana huwag nang lumalim pa.
Dahil kung ngayon pa lang masakit na, paano pa kaya kung mahal na kita?
Alam kong kaibigan lang ako para sayo pero iba ang nais ng aking puso.
Umaasa pa rin ito na magkakaroon ng "tayo", kahit alam kong sobrang labo.

Sana nga, huwag na akong paglaruan ng tadhana.
Tama na yung magkagusto ako sayo, hindi na kailangang higitan pa.
Hindi kasi madaling umasa sa isang bagay na simula pa lang imposible na.
Hindi madaling umasa at maghintay sa wala.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon