Panandalian Lang

320 2 0
                                    

(Requested by: Ate_M17)

Kung may pag-ibig na tumatagal, may pag-ibig rin na naglalaho.
May pag-ibig rin na bumabalik, subalit hindi rin umaabot sa dulo.
Panandaliang saya, pansamantalang ligaya.
Tama, yan ang aking nadama mula nung nagkabalikan tayong dalawa.

Minsan kapag may bumabalik, mayroon ding mga nagbabago.
Hindi yan maiiwasan kapag minsan nang nasaktan ang isang tao.
Parang papel na napunit, na pinag-dugtong muli.
Naging maayos nga subalit hindi na ito tulad ng itsura nito dati.

Oo, aaminin kong nagbago ako nung bumalik ka.
Mas napadalas ang pag-gamit ko ng mga masasamang salita.
Aaminin kong sa simula palang mahilig na kong mag-salita ng masama.
Subalit sa tuwing nagagalit ako, alam kong ako'y mas lumala na.

Naging malamig na rin ako sa ibang mga tao.
Yun bang parang bihira nang makisama at maki-halubilo.
Oo nagbago ako magmula nung nawala ka sa buhay ko.
At hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang ilang pagbabago sa ugali mo.

Walang pakialam, walang interes sa nangyayari sa kanyang kasintahan.
Ang pakikipag-usap sayo'y parang naging sapilitan.
Tama, yan ang ilan sa mga pagbabago sa iyong ugali't pagkatao.
Mga pagbabago... Na hindi kinaya ng aking puso.

Hanggang sa naisipan kong wag ka nalang bigyang-pansin.
Pinutol ko ang lahat ng koneksyon natin.
Unti-unting naglaho ang nag-aalab na damdamin.
Paano ko nasabi? Simple lang, ang ating samahan ay nagawa kong tapusin.

Saktong magdadalawang buwan na sana tayo noon subalit, tinuldukan ko na.
Wala kang kaalam-alam, pero para sakin tapos na ang ating istorya.
Istorya na inakala kong madudugtungan pa.
Ngunit lahat ng iyon ay panandalian lang pala.

Magdadalawang buwan na sana tayo noon, sayang diba?
Marahil ay hindi ka nanghinayang dahil sa mga panahon na iyon may bago ka na.
Ang bilis mo naman kumilos, hindi kita nahalata.
Subalit ano pang silbi kung magpapa-apekto pa ko sa inyong dalawa?

Malaking tulong din minsan ang dala ng social media.
Doon ko kasi nalaman na may reserba ka na pala.
Hindi ko na iyon inisip, mas piniling balewalain nalang kayo.
Sapagkat, ang puso't pagkatao ko'y tuluyan nang nabalot ng yelo.

Mas piniling kalimutan ang ating nakaraan.
Dahil may mga bagay na dapat binabaon nalang sa limot at hinahayaan.
Tinanggap kong wala ka na sa buhay ko, tinanggap kong wala nang tayo.
Kasabay ng pagtanggap ko sa mga ito, ang pagbabago ng aking pagkatao.

May mga bagay na panandalian lang at pansamantala.
Tulad ng relasyon natin na tuluyan nang nawala.
Tulad ng babaeng minahal mo noon na ngayo'y nagbago na.
Marahil ay hindi mo na siya makikilala sa kanyang ugali at porma.

"Boyish", kung tawagin sa Ingles ang paraan ng paglalarawan sakin.
Mas lalong lumamig ang pagkatao, pati na rin ang damdamin.
Tama, panandalian lang talaga ang lahat ng bagay sa mundo.
Mga bagay na kapag naglaho na, maaaring maging dahilan ng pagbabago.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon