Harana

367 3 0
                                    

Ang kalangitan ay tuluyan nang nabalot ng kadiliman.
At ang mga bituin ay isa-isa nang nagsisilabasan.
Nagsisilbing ilaw ang liwanag na ibinibigay ng buwan.
Ang ihip ng hangin ay nagdudulot ng panginginig sa aking katawan.

Magandang gabi sa iyo, mahal ko.
Marahil ay nagtataka ka kung bakit ako nandito.
Pasensya na kung sakaling naistorbo kita.
Sana'y pakinggan mo ang mga bibitawan kong mga salita.

Bitbit ang gitara, hiniling ko sa mga bituin.
Hiniling ko na sana'y buksan mo ang bintana at pakinggan ang aking awitin.
Ang awit na ito'y isinulat ng aking puso.
Ang haranang ito ay para sayo, irog ko.

Asahan mong hindi ako nagbibiro.
Lahat ng mga sinasabi ko dito'y totoo.
Pakinggan mo sana ang haranang ito.
Hinihiling ko na sana ito'y magustuhan mo.

Ikaw ang pinaka-magandang bulaklak sa hardin, mahal ko.
Tanging pangalan mo lamang ang isinisigaw ng aking puso.
Humihingi ako ng permiso, sana ako'y pagbigyan mo.
Hayaan mo sanang ipakita't ipadama ko sayo kung gaano ako ka-tapat at seryoso.

Minamahal kita nang higit pa sa iyong inaakala.
Hayaan mo sana akong ipadama iyan sayo, sinta.
Hindi kita pipilitin na ako'y ibigin mo din.
Sapat na para sakin ang pagtanggap mo sa aking damdamin.

Maniwala ka mahal, ang awitin na ito'y para lamang sa iyo.
Isang haranang nilikha at isinulat ng aking puso.
Sana'y pagbuksan mo ko at pakinggan ang himig na ito.
Himig na tinatawag ang pangalan at atensyon mo.

Naririnig mo ba ako, mahal ko?
Naririnig mo ba ang sigaw ng aking puso?
Natatanggap mo ba ang mensaheng ipinapadala ng aking damdamin?
Nadadama mo ba na wala akong ibang intensyon kundi ikaw ay ibigin?

Sana sa awiting ito'y maging malinaw na sayo, mahal ko.
Ang pag-ibig na nadadama ko ay tapat at totoo.
Buksan mo ang pinto ng iyong puso at papatunayan ko iyan sayo.
Papatunayan ko na hindi lamang mga salita ang binibitawan ko dito.

Hindi lamang mga salita ito sapagkat ito'y mga pangako.
Tama, ako'y nangangako, sumusumpa sa harap mo.
Isinusumpa ko na sayo lamang titibok ang aking puso.
Ikaw lamang ang haharanahin ko kung sakaling maging tayo.

Kaya sana mahal, pakinggan mo ang awit na ito.
Awit na iniaalay ko sayo nang buong puso.
Pagbigyan mo sana ang pusong nagmamahal nang totoo.
Isang "OO" mo lamang, papatunayan ko iyan sayo.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon